Ayzael's
"Hindi na ako papasok d'yan!" tamad kong sabi sa kanila
"Sino ang gusto mong pumasok ang mga babae?" pilosopo ni Nicer pero nagkabit balikat nalang ako.
Bahala sila d'yan, masiyadong na drain ang energy ko kanina.
Para bang hinang hina ako ngayon at nawawalan ako ng lakas.
"I'll go with you!" napalingon ako ng biglang mag bulontaryo si Mak.
"No, ang paa mo" pagpipigil ko sa kaniya.
"Makan, tama si Zael!" pagkokombinsi ni Xy kay Mak.
"I need an aid kit" pagpupumilit ni Mak. Napabuntong hininga nalang ako.
"Fine, I'll go pero dito ka lang akong kukuha ng aid kit mo" tumayo na ako, matiim lang siyang tumingin sa'kin.
"Sasama din pala ang dami pang arte" hinarap ko si Nicer at binatukan ko matapos makuha ang pipe ko at lumabas na.
"Remember, sa weak point tatamaan ang Eaters" paalala ko sa kanila bago ko binuksan ang nakasaradong pinto na may bahid pa ng dugo kasama ko ang dalawa.
"Pag kay Makan go agad? jowa ka?" pangaaasar ni Nicer kaya kinunotan ko lang siya ng noo, I know na in romantic way ang tinutukoy ni Nicer, wala kasi siyang lovelife kaya ganiyan 'yan. Napailing nalang ako.
"Si Makan lang pala ang katapat mo " dagdag pa na pangaasar ni Dem.
Hindi nalang ako umiimik na dahilan naman ng pagtawa nilang dalawa. Parang kanina lang ay nagaaway ang dalawa tapos ngayon mukhang magkasundo na.
Isang malinis at walang bahid na Eaters ang naabutan namin sa loob ng super market, kasing laki lang 'to ng Hardware store pero 'di tulad don ay may ilaw 'to at kumikintab sa sobrang linis ng sahig
"Mukhang safe dito! may dala kayong pera?" giit ni Nicer.
"Bakit parang walang tao?" tanong ni Dem, nakakapagtaka ang ganito, hindi naman 'to sarado pero bakit parang walang tao?
"Hayaan mo na, dalian nalang natin!" lumakad na ako papunta sa mga cart at kumuha ng isa doon.
"Anong pagkain, Zael?" kumuha din si Nicer ng pushcart.
"Anything basta easy to eat, like fruits and veges"
"Dem, sa drinks ka don't forget water" utos ko kay Dem, tumango lang 'to at kumuha din ng cart tulad namin.
Pumunta muna ako sa isang maliit na stall ng pharmacy sa gilid.
Iniwan ko muna sa tabi ang shopping cart kasama 'yong pipe na dala ko bago pumasok sa stall ng pharmacy.
tumingin ako sa mga aisle na may mga iba't ibang gamot.
Hinanap ko ang gamot para sa anti-tenanus for Mak, pero dahil may tatlong iba't ibang product doon, kumuha ako ng tigiisang box ng mga product na 'yon dahil hindi ko alam kung ano ang mas effective.
Kumuha din ako ng gamot para sa sugat ni Mak, Kumuha na rin ako ng mga gamot para sa mga pwede naming magamit, tulad ng paracetamol at mga antibiotics.
Dahil baka kung hindi kami mamatay sa mga eaters ' ay mamatay naman kami sa sakit kung hindi maaagapan agad, lalo na ngayon na hospitals maybe are not safe.
kumuha din ako ng mga painkiller, at Mefenamic para sa braso ko, dahil siguradong mahihirapan akong kumilos dahil sa braso ko. Mas mabuti ng gumaling agad 'to.
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Horror"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...