Flashbacks
Third person's
Nanunuod lang ang batang si Nicer habang tinitignan ang hindi kilalang batang lalaki na tumatakbo habang walang tigil ang pagiyak.
"Nicer, follow him" utos ng ina ni Nicer sa kaniya.
Wala namang imik ang batang tumango lang at sinunod ang utos ng kaniyang ina.
Habang sinusundan ni Nicer ang batang umiiyak, kumunot bigla ang noo niya ng hindi niya na mahagilap ang batang kanina lang ay nasa paningin niya pa.
"Asan na 'yon?" bulong sa sarili ni Nicer.
Lumingin si Nicer ng may marinig siyang malakas na sigaw nangagaling lang malapit sa paligid niya.
Isang sigaw na humihingi ng tulong.
Agad niya namang natunton 'yon at nanlaki ang mata niya ng makita ang batang lalaki na kaniyang hinahanap na may yakap na isang batang babae, ngunit napaatras si Nicer ng makita niya ang isang matandang lalaki na may hawak na isang kutsilyo.
Tuliro si Nicer at hindi alam ang gagawin, paatras lang ito ng paatras. Takot ang nangibabaw sa bata.
"Bitawan mo nalang siya bata, kung ayaw mong pati ikaw mapahamak" banta ng lalaking may hawak ng kutsilyo sa dalawang batang babae at lalaki na takot na takot na magkayakap.
"H-Hindi ko gagawin yun! layuan mo siya, layuan mo kami, sasaktan mo siya!" takot na sigaw ng batang lalaki habang umiiyak at hindi bumibitaw sa pagyakap sa batang babaeng ngayo'y takot at umiiyak din
"Umalis ka nalang bata kung ayaw mong madamay, kung hindi kapa aalis, malilintikan ka talaga!" sigaw muli ng lalaking may hawak ng kutsilyo at mabilis na tumakbo papunta sa kaniya.
Walang nagawa ang batang lalaki at babae kundi mapasigaw nalang, pero si Nicer ay nanatili paring natuod sa kaniyang pinagkakatayuan, na walang nagawa kundi manuod nalang sa pangyayari.
Naging mabilis ang pangyayari at walang nagawa ang batang lalaki ng hawiin siya paalis ng lalaking may hawak ng kutsilyo, lumipad ito at napadapa sa lupa.
"TULUNGAN MO AKO!!!!" sigaw ng batang babae ng mahawakan siya ng lalaking may hawak na kutsilyo at ikulong ang bata sa mga bisig nito.
"HUWAG!!!!!!!!!" sigaw nalang ng batang lalaking nakadapa pilit inaabot ang batang babaeng ngayon ay walang awang pinagsasaksak ng lalaki.
Iyak lamang ng batang babae at lalaki ang maririnig hanggang sa iyak na lamang ng batang lalaki ang natira.
Tumalikod na paalis ang lalaki matapos makompermang hindi na gumagalaw ang kaawa-awang batang babae.
Gumapang lamang ang batang lalaki patungo sa batang babaeng duguan at wala nang buhay.
Tuloy tuloy naman ang agos ng luha ni Nicer habang pinapanuod lang ang nangyare.
"Ang sama mo!!!" mabilis na tumakbo si Nicer sa kinaroroonan ng lalaking lumalakad na palayo.
Pero bago pa 'to makalingon kay Nicer ay malakas ng itinulak ni Nicer ang lalaki dahilan para mapatid ito sa malaking bato at mawalan ng balanse, bumagsak ito sa isang matulis na nangangalawang na bakal ng isang sirang upuan.
Tumagos ang matulis na bakal sa tiyan ng lalaki na ikinagulat ni Nicer.
Kitang kita niya ang paglabas ng pulang lukido sa bibig ng lalaki habang may gulat sa mga mata nito at pilit siyang inaabot.
Walang humpay na agos ng dugo nito sa kaniyang butas na tiyan ay mabilis itong nanghina at tuluyan ng nalagutan ng hininga.
Napaatras si Nicer at lumagapak sa sahig ang pwet nito ng mapatid siya sa isang bato, takot ang bumalot sa katawan ni Nicer.
Mabilis itong tumakbo paalis at takot na takot, habang basa ng pawis at luha ang mukha nito.
End of Flashbacks
Nicer's
"Nicer look at me!" utos ni Xy ko kaya napatingin ako sa kaniya at muli nanamang nawala ang takot sa puso ko, nawala ang imahe ng lalaki sa utak ko, nawala ng tumingin ako sa mukha ni Xy ko. Napayuko ako at muling rumagasa pababa ang gwapong luha ko sa gwapong mukha mo.
"Xy, I'm a murderer! I killed two man! I killed them!" nanlulumong sabi ng gwapo, gusto kong magsisigaw dahil t*ngina! ang sama kong tao, isa akong mamatay tao! wala na din akong ipinagkaiba sa mga pangit na eaters na 'yon.
"Nicer, look at me!" sabi ni Xy ko kaya ginawa ko naman, bumaladra nanaman ang nakangiting mukha ni Xy ko, gusto gusto ko talagang pagmasdan 'yon na kahit buong buhay kong pagmasdan 'yon wala akong pakialam.
"You're not a murderer! You're a hero! you killed the masked man because of me, right? then you're my hero! you're not a killer! you're not a bad person! You're my superman, you're my batman, you're my Aladdin! you're my Nicer, you're not a monster, okay?" napakagat ako ng labi ko at muling napaiyak umiyak, tangina nababasa niya ang iniisip ko.
"You're the most bravest person I've ever know, you're the most strong man I've ever saw, I'm so proud of you, and I'm very thankful for protecting me" nagpatigil ako.
"Xy mamahalin mo pa rin ba ako, kahit na ganito ako? kahit na murderer ako? Can you love me back even though I'm like this? weak and pathetic? Can you love me back even though I'm just handsome and nothing more? can you love me back?Kasi Xy mahal na mahal kita, at mamahalin kita ng paulit ulit hanggang sa magsawa ka! mamahalin kita hanggang sa magsawa sila, mamahalin kita at mamahalin kita! I love you with a love that no one can understand" tanong ko sa kaniya.
"I love you! whoever you are! I love you even you're weak and pathetic! I love you even you're just handsome! I love you even though you're like that! I love you Nicer and I always will!" dahan dahan niyang nilapat ang labi ko sa labi niya, napapikit ako ng maramdaman ko ang malambot at mainit na labi niya, it's not my first kiss but it feels like my fist kiss. Parang totoong totoo.
"Sana---sana totoo kana lang" muli akong yumakap sa kaniya, then I realize, the woman I hold right now---she's the cure of my trauma! the medicine in my disease, the shelter in my storm, she's my sheild. She's all I need.
"I love you Xy---huwag mo na akong iiwan ulit sasama nalang ako sa'yo" ipinikit ko na ang mata ko at nagdadasal na sana pagising ko ay kapiling ko na ang Xy ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/135043878-288-k24409.jpg)
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Terror"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...