Flashback
10 years ago
Third Person's
"A-Ate, why mom and Dad's pictures are there? are they dead? ate, nagsisinungaling ka sa ba akin?" tanong ng batang lalaki na nakasuot ng puting t-shirt at black na slacks kausap ang batang babae na naka puting t-shirt din at naka skirt.
Mahahalata sa batang lalaki ang pagpipigil ng luha nito dahil namumula na ang mata at ilong nito.
Hindi na napigilan pa ng batang babae na mapaluha at mapayakap sa batang lalaki.
"Zael, 'wag ka makikinig sa kanila sa akin ka lang makinig, ako ang ate mo diba--"
"Sinungaling ka, ate!" sigaw ng batang lalaki at tinulak ang batang babae dahilan para makawala siya sa pagkakayakap nito.
Mabilis na tumakbo paalis ang batang lalaki sa loob ng memorial chapel kung saan may dalawang kabaong na puti ang nasa harap.
Walang humpay sa pagiyak ang batang lalaki habang hindi parin 'to humihinto sa pagtakbo kahit na nakakailang beses na 'yon na nadapa.
"Huwag kayong lalapit!!! tulong! tulong!" he suddenly stop running and crying nang marinig ang isang iyak ng batang babae.
Mariin lang siyang nakatingin sa lalaking may dalang kutsilyo habang lumalapit sa batang babaeng takot na takot na umiiyak at sumisigaw ng tulong.
End of Flashbacks
Ayzael's
"1---minute--left!!"
Para akong sinampal ng pala sa mukha ng marinig ang sinabi ni Devoir.
Pumunta na ito sa likod ni Mak na ngayon ay nakikita kong nakatingin lang sa mga kaibigan namin habang may pag-aalala sa mukha, para bang wala lang sa kaniya na maari siyang masaktan, na maari siyang mamatay.
Bakit ba mas iniintindi niya pa ang kalagayan ng iba kaysa sa kalagayan niya ngayon? for f*ck's sake maari siyang mamatay.
"P*tangina mo Devoir!P*tangina ka!" binitawan ko na ang bubog at pwersadong hinihila ang mga kamay ko, kahit na sumasakit na 'yon na para bang may sugat na, pero wala akong pakialam. She's all matters to me.
Wala na akong pakialam, I still want to see her smile, her laugh, I still want to know her better, I still want to know her pain! I want Mak to live! so I need to save her!
I dont know kung kailan lang pero nawala ang takot ko. Miracles happened when it comes to Mak, I wonder why!
"T*ngina! Devoir!!!" umiiyak na rin si Nicer, katulad ni Xy, napatingin naman ako kay Dem na nagtatakang nakatingin lang sa'kin.
"Ano na, Zael?" gulat na tanong niya, dahil siguro sa hindi pa ako nakakaalis.
"PLEASE DEVOIR! PLEASE!!" walang humpay ang pagmamakaawa ni Xy kay Devoir.
Napapapakit na ako sa sobrang sa'kit ng kamay ko habang pilit paring pinipwersang makawala, Kailangan kong makaalis.
"And 9?" bilang ni Devoir.
Parang nanlamig ang buong katawan ko habang nakatingin lang kay Mak na nakatingin parin sa mga kasamahan ko, habang may pangamba sa mukha.
"Just do it already and let them go." mahinang sabi ni Mak kay Devoir pero umiling iling lang 'to.
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Terror"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...