XXV: Estellan

148 5 0
                                    

Ayzael's

"He's dead!" giit ni Mak habang lumalakad palayo kay Estellan.

Napatigil ako at napaatras, halos lumamig ang buong katawan ko, napayuko nalang ako at tumalikod, napaluhod habang umiiyak si Danwell.

Nangyayari ba talaga sa'min 'to? Totoo ba talaga 'to? kasi Tangina, ang hirap ng ganito!! ang hirap ng may namamatay!! ang hirap ng may nakikitang umiiyak!! ang hirap ng may nakikitang nasasaktan sa mga kaibigan ko.

Wala na si Estellan, Hindi na namin siya nailigtas, we couldn't save him, I couldn't save him! kung sana hinawakan ko nalang ang baril, kung sana kinuha ko nalang 'yon, kung sana hindi ako nagpatalo sa takot ko, ede sana hindi nakagat si Estellan, hindi sana siya nagkakaganito, hindi sana iiyak si Xy, hindi sana mawawala si Estellan! It's all my fault! Because of me Estellan died! I--I killed him.

Huminto sa paglalakad si Dem at humarap sa gawi ni Estellan at inilabas ang baril nitong nakalagay sa likod ng jeans niya at itunutok sa gawi ni Estellan kahit na nakikita ko ang panginginig ng kamay niya.

Napalingon kaming lahat ng biglang sumigaw si Nicer at bumungad sa mata ko si Xy na tumatakbo papunta kay Estellan, nakasunod naman na tumatakbo si Nicer sa likod niya.

"DON'T!!!DON'T KILL HIM!!!"  tumakbo sa gawi ni Estellan si Xy, nanlaki naman ang mata ko habang tumatakbo 'to sa gilid ko.

"XY!!LUMAYO KA SAKANIYA!!!"

"XYYYYYYYYY!!!!!!!!!"

"XYNEMIEA!!!!!!" pinilit abutin ni Nicer para mahawakan si Xy sa braso.

Nahawakan naman 'yon ni Nicer at hinatak si Xy papunta sa kaniya at niyakap 'yon ng kahigpit kahit na nagpupumiglas ito at sinusuntok-suntok siya.

"XY, HE'S DEAD!" sigaw ni Dem.

Huminto naman sa pagpupumiglas si Xy at pagsuntok suntok nito kay Nicer dahilan para bumitaw si Nicer sa pagkakayakap sa kaniya, gusto kong lapitan si Xy ng bigla 'tong napaluhod at bakas ang gulat sa mukha niya.

"DEM!!! DON'T SHOOT HIM!!!PLEASE DON'T KILL HIM!!" pagmamakaawa ni Xy kay Dem pero umiling lang si Dem.

"Xy, he's already dead and if I don't shoot him, he's gonna kill us!" basag ang boses ni Dem.

"He's not gonna kill us! he's still Estellan... he's not gonna hurt us!! please!" iyak ni Xy.

Umiling iling lang si Dem, tumayo naman si Xy.

"I HATE YOU ALL!! I REALLY HATE YOU ALL!" sigaw ni Xy at tumakbo sa gawi ni Estellan.

Halos lumundag ang puso ko sa kaba sa ginawa ni Xy, pero hindi pa siya nakakalimang hakbang ay napahinto na 'to.

Nanigas ang katawan ko ng tumingin ako kay Estellan at nakita kong nakatayo na 'yon at ilang saglit pa ay mabagal na lumakad  palapit sa'min.

"XY!!!UMALIS KA!!LUMAYO KA SA KANIYA!"  sigaw ni Mak.

"XYYYYYY" mabilis na tumakbo si Nicer kay Xy pero huminto din 'to at tumingin kay Dem.

"P*TANGINA DEM!!IBABA MO ANG BARIL MO!" sigaw ni Nicer  na ngayon ay nakatutok na ang baril sa gawi ni Estellan.

"Estellan...." iyak ni Xy pero unggol lang ang isinagot sa kaniya ni Estellan dahilan para mapatigil siya at mapaatras ng isang hakbang.

Naalerto naman ako ng mapagtantong malapit ito kay Xy.

"XY, LUMAYO KA!"  parang walang narinig 'to.

"P*TANGINA XY!!!" sigaw ni Nicer at tumakbo palapit kay Xy at niyakap ito.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon