XV: Die together!

210 10 0
                                    

Ayzael's

Lumiko ako sa kanan at nag palinga-linga ako, nagbabakasakali na makita ko si Danwell. Hindi ko alam ang pumasok sa isip niya at tumakbo paalis.

Wala Sana kami sa sitwasyong ngayong hanapin siya, napatago ako sa gilid ng makita ko ang isang lalaking lumalakad, halos tumayuan ang balahibo ko sa katawan ng huminto 'to sa gilid ko.

Hindi ko parin mapigilang kilabutan sa tuwing naririnig ko ang mararahas na mga ungol nila.

Gusto kong magtakip ng ilong dahil sa masangsang na amoy nito, mabuti na lamang ay may palatandaan kung eaters ba o hindi dahil kung 'di, baka nakasakit na ako ng normal na tao sa dahil sa dilim.

Hahampasin ko na sana 'to ng tubo na dala ko, pero dumiritso 'to ng lakad na ipinagtaka ko naman dahil hindi niya naramdaman ang presensya ko.

Tumuloy ulit ako sa pagtatakbo ng masiguradong hindi na ako maaabutan ng eater na 'yon dala ko parin ang phone ko na lumilikha ng liwanag at itinatago ko 'yon sa tuwing may naaaninag akong Eaters.

Katulad kanina ay palinga linga ulit ako at nagbabasakali na sana makita ko na si Danwell, dahil malayo layo na rin ang natatakbo ko mula sa pinagtataguan ni Mak, baka mawala ako at hindi ko siya mabalikan agad.

Napahinto ako ng may mahinang paghikbi akong narinig, kahit tinatakbuhan ako ng takot ay napatingin ako sa kanan ko.

Nakita ko naman ang isang malaking basurahan, palakas ng palakas ang tibok ng puso ko habang papalapit sa kinaroroonan ng mahinang pagiyak.

Napapitlag ako sa gulat ng may biglang yumakap sa'kin, itutulak ko na sana 'to ng malakas kung 'di ko lang narinig ang mahinang hikbi nito

"Zael!" napabuntong hininga naman ako ng mapagtantong si Danwell pala, ano nalang kaya kung hindi siya? marahan ko 'tong inalis sa pagkakayakap sa'kin.

Tumambad sa'kin ang namumula at namamagang mata niya sa kakaiyak.

I want to get mad but I notice something moves in my left kaya hinatak ko siya paupo sa pinagtataguan niya kanina.
I give her a sign to keep quiet.

Nang lumipas ang limang minuto na wala naman akong nakikitang senyalis ng mga Eaters ay hinarap ko siya.

"Bakit ka tumakbo?mapapahamak tayo " inis na tanong ko, kung hindi naman kasi siya tumakbo, hindi siya mawawala dito.

"I'm not doing it again" sabi ko sa kaniya na halata namang nagulat siya.

"B-bakit?" tanong nito.

"I'm not stupid to risk my life for sake of others, I will only risk my life to save my friends and to those people who are important to me" paliwanag ko sa kaniya. Habang tumitingin sa paligid.

"They are lucky to be your friends" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"because I will save them when they need to be saved? I'm more lucky because they are my friends" sagot ko at tumingin sa kaniya. Nagsisi naman ako ng makita ko siyang ngumiti ng mapait at yumuko.

Maybe she misses her friends and I make her misses them more, she's fragile and scared, this situation makes us one.

Tumayo na ako at nagpalingalinga, niyaya ko na siyang umalis ng makompermang wala eaters sa paligid namin. I grab her at tumakbo na kami.

Nanlaki ang mata ko ng may makabungo ako sa pagliko namin sa kaliwa, susuntukin ko na sana 'to ng makita ko ang paparating na kung anong bagay ang kumintab papunta sa kaliwang gilid ng ulo ko kaya mabilis ko 'tong nasanga gamit ang kaliwang braso ko.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon