XXII: Beware

176 7 1
                                    

Ayzael's

"We should make a fire!" suwesyon ni Xy.

"Yeah right!" pagsangayon naman ni Dem at lumabas, hinila ko naman si Nicer sa labas para tulungan si Dem.

Nakabukas lang ang ilaw ng van para mabigyan ng liwanag ang madilim na kapaligiran sa labas.

"Bakit ba manghila?" iritang tanong ni Nicer pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Tumulong ka nalang" turo ko kay Dem na papunta sa direksyon sa harap namin kung saan maraming puno.

Bumungad sa'kin ang malamig na simoy ng hangin, ang ihip ng hangin na nagpapagalaw para magkiskisan ang mga puno na aklain mo ay nagsasayawan.

"Dem, magingat ka!" paalala ko kay Dem na ikinalingon niya naman, hinila ko na din si Nicer palapit sa kaniya.

"Bakit ba kailangan tatlo pa? pwede namang kayo nalang?" reklamo ni Nicer habang kami ni Dem at kumuha ng mga sanga.

"Zael, 'yong kay Makan...." paninimula ni Dem na hindi pinansin ang tanong ni Nicer.

"Hindi ko din alam, and knowing Mak, hindi 'yon magsasalita" nagalala kong sabi kay Dem.

"Oo nga, nagalala ako kay Makan" hinarap ko Nicer nakita ko namang si Dem sa tabi niya na may dalang maraming sanga papunta sa direksyon ng pinaglagyan ko ng mga sanga.

"Wala din akong alam, diba naman kasi nag bo-boarding lang siya" it's Dem.

Kumunot ang noo ko sa narinig ko "Sino pala ang kasama ng lola niya sa bahay nila?" nagtataka kong tanong dahil ang alam ko nagboboarding si Mak dahil malayo ang bahay nila sa school, pero hindi ko alam kung sino ang kasama ng lola ni Mak.

"Well ang sabi ni Xy ay may kasama naman daw doon ang lola niya" sagot ni Dem at naglakad papunta sa gawi ko.

Sumunod naman sa kaniya si Nicer "Oo narinig ko 'yon! bakit hindi mo alam?" tanong ni Nicer pero nagkabit balikat lang ako.

"Pero wala talaga kayong alam sa nangyari sa lola niya?"

"Wala talaga akong alam, wala naman kasing sinasabi si Makan, wala din namang alam si Xy ko" sagot ni Nicer sakin kumukuha padin ng sanga.

"Ano pa bang aasahan natin kay Makan? kung hindi nga lang sinabi ni Xy ay hindi ko malalaman na wala na parents si Makan" napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Dem.

"We just need to trust her, magkukwento din 'yan paghanda na siya" dagdag pa nito habang pabalik na kaming tatlo para ilagay ulit ang mga sanga sa kung saan namin tinambak ang mga sangang nakuha namin.

"Pero ngayon, we just have to take care of her" tumango ako sa sinabi ni Nicer.

Sinimulan na naming sindihan ang naipon naming mga sanga, mabuti nalang ay may dalang lighter si Nicer.

Agad namang nagsilabasan ang mga kasamahan namin at umupo sa patag na damo sa paligid ng apoy.

"Where's Mak?" tanong ko pero wala namang sumagot kaya pumasok ako ng van.

"Mak?" tawag ko, tingin lang ang ibinato nito sa'kin kaya napabuntong hininga nalang ako at lumapit sa kaniya.

Kinuha ko ang isang Coffee chocolate bar sa bulsa ko at inabot sa kaniya.

"Coffe chocolate" tiningnan niya lang ito, hindi kalaunan ay tinangap niya din 'to.

"No more question Zael, wala akong sa mood!" gamit niya ang ordinaryo boses na walang bahid na kahit anong emosyon.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon