XLIX: Plan?

111 5 0
                                    

Ayzael's

"Makan, truth or dare?" tanong ni Nicer kay Mak pero sinamaan lang siya ng tingin nito.

"Truth" bore na sagot ni Mak.

"Kung papapiliin ka, si Alcinous or si Zael?" napatingin naman si Nicer sa'kin. Nakatingin lang ako kay Mak.

"Alcinous" sabi niya kaya napaiba ako ng tingin. I feel something weird.

Naghiyawan naman sina Dem at Nicer "OOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOHHHHHHHH" kaya ininom ni Nicer ang chaser, at ipinaikot na ni Mak ang bottle.

Imposible namang magkagusto si Mak kay Alcinous, syempre kababata niya si Alcinous kaya siguradong si Alcinous ang pipiliin niya--Ano din kung magkagusto siya?

"Truth or dare?" napabalik ako sa reyalidad ng marinig kong magsalita si Mak kay Cornelia.

"Truth" sagot ni Cornelia.

"Sinong ang mas gwapo sa kanilang anim" tanong ni Mak, kaya napahiyaw din kami.

"Xy 'wag kang magseselos kung akong ituturo ni Cornelia ah" giit ni Nicer napangiwi naman si Xy dahil doon. Napatawa naman ako.

"Ayzael, I think" giit ni Cornelia, kaya napatigil ako, sinakop naman ng katahimikan ang buong bahay bago naghiyawan ang mga lalaki.

"Baka nagkakamali ka lang? 'di mo yata ako sinulyapan? tingin ka sakin ulit" kala mo naagawan ng candy si Nicer, naiilang naman akong napatingin kay Cornelia na ngayon ay nakatitig lang sakin.

"Putik! type ka lang yata ni Cornelia! Bias 'yan!" giit naman ni Damon na ikinatawa ko.

Ininom naman ni Mak ang chaser, pipigilan ko pa sana siya ng makita ko lang siyang nakatingin kay Cornelia at napatingin sa'kin.

Pinaikot na ni Cornelia ang empty bottle at huminto kay Mak.

"Truth or dare?" giit ni Cornelia kay Mak.

"Dare" sagot ni Mak, tumingin ako muli kay Cornelia at napangisi 'yon, napataas ako ng kilay.

"Palit tayo ng upuan" sagot ni Cornelia habang may ngisi parin sa labi.

Napatingin naman ako kay Mak at nagulat ako ng makitang nataas ang kaliwang kilay nito.

"hmmm no" sagot ni Mak at ininom ang nasa teaser dahilan para maghiyawan sila Dem at Nicer sa gilid ko.

"OHHHHHHHHHHHHH YOWN OWWWWWWWWW" hiyawan nila.

Pinaikot na ni Mak ang empty bottle at tumapat 'yon kay Sol. Dare naman ang isinagot ni Sol.

"Kunan mo akong tubig" giit ni Maka kaya napatawa ako ng mahina.

"Ang boring mo naman" sigaw ni Nicer kaya sinamaan siya ni Mak ng tingin.

Naglipas ang ilang oras at puro walang kabuluhan nalang ang pinapagawa at tinatanong lalo na si Nicer puro pangaasar lang ang nasa utak

Naubos din ang limang bottle of wine at si Nicer, Dem at Damon lang naman ang nakaubos isama pa si Alcinous.

Ang lakas pala uminom ni Damon at nakakaluko din 'yong g*gong 'yon! puro kaluhan din kasi ang nasa utak.

Hindi na ako uminom dahil sumasakit pa ang ulo ko at ayoko ng dagdagan pa 'yon.

"Ley, ikaw na  ang bahala kay Alcinous" tanong ko, tumango lang 'to at binitbit si Alcinous na knock out na.

"Xy, ikaw na magbuhat kay Nicer?" tanong ko pero sinamaan lang ako ng tingin nito.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon