Ayzael's
"Guys, tell me this is not happening!" para akong natuod sa nakikita ko, parang dinaanan ng gyera ang mga bahay dito sa First ville
"This is not happening" sinamaan ko si Mak ng tingin ng pilosopohin niya ako.
Nagmistulang isang ghost town dahil sa kalat kalat na mga sasakyan at marami ding nagkalat na gamit at ang mga street light na patay sindi.
Pero 'di katulad sa school wala ng mga nagtatakbuhan at nagsisigawan.
Pero isang Nakakatakot na katahimikang bumalot sa buong lugar, Parang may dumaan na UFO at kinuha lahat ng mga tao na nakatira dito.
"Don't tell me, buong Hallosh city ang ganito!" mukhang hindi rin makapaniwala si Nicer sa nakikita.
Mas lalong tumindi ang kilabot ko sa sinabi nya.
"Is this for real--"
"Shit! si Prep" basag ang boses ni Sol ng magsalita ito.
Kung ganito nga ang buong Hallosh city hindi kaya pati ang mga bahay ni--
"Oh My God! Sila mom" napatakip nalang si Xy ng bibig niya, habang umiiyak 'to.
Hindi ko mapigilang malungkot ngayong nakikita kong ganito ang mga kaibigan ko. At si Sol, tulad ko silang dalawa nalang ng kapatid niya ang magkasama sa bahay nila.
We both lost our parents at alam kong masakit sa kaniya kung may mangyayaring masama sa nakababatang kapatid niyang lalaki.
"Guys...guys h-hindi na huminga si M-Mira!!Oh my God!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Xy.
"Shit!!!Mira?" agad na lumapit si Sol sa likod at tinapik tapik si Mira.
"She's pale" sabi ni Mak.
"Shit--Mira gising--gising Mira--tangina" gising ni Sol kay Mira habang tinatapik ang pisngi nito.
"S-She's d-d-dead!" mautal utal si Mak habang nakalapat ang dalawang daliri nito sa leeg ni Mira, bakas ang gulat sa mukha ni Mak, ganun nalang ang pagkamutla niya na para bang nakakita siya ng multo.
Sa isang taon kong nakasama si Mak, ngayon ko lang nakitang ganito si Mak. Kanina ko lang siya nakita matakot, ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"M-Mak is right--s-she's d-dead!! O-oh my G-God!!" dugtong naman ni Xy nang pinulsuhan niya si Mira. Napatakip nalang ito ng bibig niya.
inilapat ni Sol ang tainga niya sa dibdib ni Mira, parang pinagbaksakan ng lupa ang langit ang mukha ni Sol.
Patak ng luha ang huling nakita ko bago tahimik siyang lumabas ng sasakyan habang kami ay nanatiling tahimik.
"No--this is not happening--oh my God--Miraaaa!" iyak ni Xy, hindi ko maisip na mangyayari 'to sa amin.
"Are you sure?" tanong ko kila Xy dahil hindi ko alam kung totoong nangyayari nga ito.
Pero napalunok ako at parang sinampal ako ng katutuhanan ng wala akong maramdamang pulso nang hawakan ko ang leeg nito.
"Sinong marunong mag-CPR dito?" aligagang tanong ni Mak, pero wala sa amin ang sumagot kaya.
Mariin lang akong nanuod habang itinaas ni Mak ang chin ni Mira at minouth to mouth niya ito, sampong beses inulit 'yon ni Mak bago niya ulit pinulsuhan si Mira at tumingin sa'min at umiling.
Hell what? She's dead--She's dead for fuck's sake.
Iyak ni Xy ang pinagmumulan ng ingay sa loob ng sasakyan, napuno ng katahimilan ang buong paligid, samahan pa ng katahimikan sa labas.
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Terror"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...