XVII: Call

190 10 2
                                    

Ayzael's

Dahan dahan kong binukas ang mata ko ng may maramdaman akong tumatapik sa pisngi ko

"Ayzael hijo, gumising na kayo!" Mukha ni Lolo ang bumungad sa'kin, napakunot naman ang noo ko dahil doon. 

Kahit na kagigising ko lang ay nagising agad ang diwa ko dahil wala akong natatandaang sinabi ko sa kaniya ang pangalan ko.

Agad hinanap ng mata ko si Mak, agad ko naman siyang nakitang nakaupo at nakatingin lang sa'kin, tumingin ako sa relo ko at mag aalas nwebe na ng umaga

"Hijo! tulad ng sinabi ko sa inyo ay ituturo ko sa inyo ang daan palabas" tumayo na ako sa pagkakaupo ko tumango sa matanda.

"Pagpasensiyahan niyo na, pero wala akong maibibigay na agahan sa inyo" magalang na giit ng matanda, tango lamang ang isinagot ko sa kaniya, naawa naman ako dahil doon, matanda na siya.

"Ayos lang naman po, Lo, sobra sobra na nga ho ang pagtulong niyo sa'min" kahit na hindi mawala ang pagtataka sa isip ko.

"Ayos na ba ang paa mo?" tanong ko kay Mak na ngayon ay nakatingin lang sa'kin, isang tango lamang ang isinagot nito sa'kin.

"Titignan ko ang labas, sumunod na lamang kayo sa'kin!" sabi ng matanda at lumabas ng pintong pinasukan namin kagabi

"Kaya mo bang lumakad!" tanong ko kay Mak pero masamang tingin lang ang isinagot nito sa'kin, hindi na ako nagtaka

Inilalayan kong tumayo at lumabas ng maliit na pinto si Mak ng sininyasan kami ng matanda na lumabas na, agad ko namang iniaba si Mak kahit na masakit parin ang braso ko pero hindi katulad ng kagabi.

Kalat na basura lamang ang tumambad sa labas kung saan kagabi ay na trap kami ng mga Eaters.

Mabilis ang mga galaw namin, Sinusundan ko lang ang matanda na nagiging look out namin sa pasikot sikot na daan. 

Totoo nga ang sinabi ni Lolo, maliligaw talaga kami dahil puro pasikot sikot ang daan.

Walang nagsasalita, kahit medyo may katandaan na ang matandang kasama namin ay mabilis at maingat ang mga galaw nito, para bang sanay na sanay na siya sa pinangagawa niyang pagtago at pagtakbo.

"Hijo, hanggang dito na lamang ang maituturo ko sa inyo!" nagtaka man ay pinigilan ko ang sariling magtanong sa matanda, dahil nakakahiya na at sobra-sobra na ang naitulong niya sa'min

"Diretsuhin niyo na lamang ang pasilyong 'yon at makakalabas na kayo!" turo niya sa kanan na papasok sa harap namin.

"Lolo, maraming salamat po talaga! tatanawin po namin ito na isang malaking utang na loob" pagpapasalamat ko, isang ngiti lamang ang isinagot nito sa'min.

Nagipon ako ng lakas para sa pagtakbo 'ko pero hindi pa ako nakakaisang hakabang ay may pumigil sa braso ko mabuti na lamang ay sa kanan 'yon.

"Hijo, tatandaan niyo. 'Wag kayo basta basta magtitiwala!" mahina at nakayukong sabi ng matanda.

Nagtataka man ay tumango nalang ako at tumakbo na sa direksyong tinuro niya kanina.

Napuno ng tanong ang utak ko dahil sa sinabi ng matanda, sa isang gabing nakasama ko siya ay hindi ko inaasahang maririnig ko sa kaniya 'yon, parang kagabi lang ay pinupunto niya na lahat ng tao ay mabait tapos ngayon sasabihin niya na 'wag kaming magtitiwala. 

Naputol ang paiisip ko ng matanaw ko na sa harap ang kalsada.



Third Person's

Pagkaalis at pagkaalis nila Ayzael at Makanzie ay agad inilabas ng matandang lalaki ang walkie talkie nitong itinatago niya sa bulsa ng kaniyang lumang short.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon