Ayzael's
"Talaga bang nangyayari sa'tin 'to? Hindi ba tayo nanaginip, ayoko ng ganito--alam kong lalaki ako--pero Tol--natatakot ako!" basag ang boses ni Nicer.
"Hindi ko alam" takot ang nangibabaw sa buong sistema ko, sino ba ang hindi matatakot?
Walang nagsalita at hikbi lang ni Xy at ng babaeng nasa likod ang naglilikha ng ingay sa loob ng van.
"Pwede bang puntahan muna natin ang kapatid ko?" bakas parin ang lungkot sa boses ni Sol, I feel sorry for him, she just lose her bestfriend.
Tumingin ako kila Nicer pero tumango lang ito kaya tumango nalang din ako.
Napakagat ako ng ibabang labi ko habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan naming bahay na parang nilooban ng magnanakaw dahil sa kalat-kalat na gamit sa labas at 'yong ibang street light at mga road sign na nakatumba na, may paisa-isa pa akong nakikitang nakahiga at nakadapa, ayokong isipin na baka mga patay na 'yon.
"Mahihirapan tayo magbiyahe dahil sa dami ng sasakyan ang nakaharang" reklamo ni Dem.
Rinig kong napamura si Dem ng biglang huminto ang sasakyan "Ano ban--"
"TULONG! TULONG--TULUNGAN NIYO PLEASE-- TULUNGAN NIYO AKO!!!" nagulat ako ng may humampas sa van.
"Ano hinihintay mo?Buksan mo na 'yan? hintayin mo pang wasakin ng babae ang pinto para makapasok siya?" pamemelosopo sa'kin ni Nicer, labag man ay binuksan ko ang van.
Bumungad sa'min ang babaeng nakashort at puting t-shirt na naging pula dahil sa dugong nagkalat doon, hingal na hingal na parang pinanligo ang dugo sa katawan nito.
"Sino ka?" tanong ko sa kaniya, pero hindi ako nito pinansin pumasok sa loob ng van like it was her house.
"Umalis na tayo dahil malapit na ang mga eaters!" kumunot ang noo ko pero ginawa ko din ang gusto niya ng makita ko ang tatlong kalalakihan puno ng dugo ang mukha at katawan ang lumalakad papalapit sa'min.
Agad naman pinaandar na ni Sol ang sasakyan.
"Eaters?" tanong ni Dem sa babae.
"Nangangain! eaters lang 'di mo pa alam?" sagot ni Nicer dahilan para samaan siya ng tingin ni Dem.
"Base naman sa mga itsura niyo ay alam niyo na ang nangyayari dito sa Hallosh city" tinatali ng babae ang maikling buhok nito.
"Bakit eaters?"
"Ano ba ang tagalog ng eaters? nangangain diba? syempre dahil mga taong tinakbuhan ng katinuan at bigla bigla nalang nangangagat at nangangain" pagpipilosopo nito kay Nicer, napakunot ang noo ko sa babaeng 'to.
"Pero kuya driver thank you, you save my life" sabi ng babae kay Sol tango lang ang isinagot nito.
"Ako ang nagbukas ng pinto tapos siya ang pasasalamatan mo?" tinaasan lang ako ng babae ng kilay.
"Sa tingin mo ba mabubuksan mo ang pinto kong nakaandar pa rin ang sasakyan? at alam ko namang wala kang balak buksan ang sasakyan kung hindi ka sinabihan ng kaibigan mo, napilitin ka lang!" pagtataray nito sa'kin na hinayaan ko nalang, tama naman siya.
"Sa bagay pero kahit pa, kahit inihinto ni Sol ang sasakyan kung hindi ko binuksan hindi ka parin makakapasok" sagot ko.
"Jeez, kulang ka ba sa aruga ng magulang mo? ganito na yata ugali ng mga lalaki ngayon" hinayaan ko nalang masiyado pa ang nageestress sa nangyayari sa amin, ayoko na siyang dumagdag pa.
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Horror"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...