Ayzael's
"Mukhang aabutin tayo ng gabi dito" nanatili lang 'tong nakatingala.
"Kukuha na ako ng mga sanga bago pa dumilim!" malapit na lumubog ang araw at kailangan namin ng apoy.
"Don't, It may attract eaters!" pagpipigil niya, wala akong nagawa kundi umupo nalang.
Lumipas ang ilang oras hanggang sa lumubog na ang araw at kinain ng kadiliman ang buong paligid, mumunting liwanag lamang ang sumisilip na nanggagaling sa bilog na buwan dahil sa mga sanggang humaharang dito.
Mas lumamig ang simoy ng hangin, mas lumakas ang tunog ng mga nagkikiskisan na mga sanga at tanging ingay lang ng mga kuligkulig ang maririnig mo.
Kinapa ko ang phone ko sa bulsa at binuksan ito, laking tuwa ko ng may two bars pa 'yon.
"Mak, kainin mo 'to, bago matulog!" inabot ko sa kaniya ang coffee-chocolate bar pero kumunot lang ang noo niya.
"Sleep my ass, could you sleep in this open and dangerous place?" napasimangot nalang ako. I'm just being kind here.
"Nakay Nicer pala ang mga travel bag na may mga pagkain, tae nagugutom na ako!" reklamo ko.
"One day without food won't kill you, don't worry!" tumango nalang ako dahil may punto naman siya.
Inabot ko ulit ang coffee-chocolate bar at tinanggap niya naman 'yon.
Matapos niyang kumain ay katahimikan ang bumalot sa'min, mabuti na lamang at may flashlight kundi ay baka kung ano na ang nangyari sa'min.
Nakatingin lang ako kay Mak ng humikab 'to.
"Mak, matulog kana, babantayan naman kita" hindi naman 'to umiimik.
"I won't sleep, it's a waste if we both not going to sleep!"
"Well, bahala ka hindi naman ako ang mapupuyat!" sabi niya, ngumiti lang ako.
Pinakiramdaman ko ang paghinga niya at ng masigurado na tulog na siya ay hinubad ko ang jacket kung may bahid ng dugo at itinakip 'to sa katawan niya, lumalalim na kasi ang gabi at lumalamig na, baka magkasakit siya, lalo pa may sugat siya sa paa, medyo malamok din dahil tshirt lang ang suot niya.
At hindi ko din alam kung magiging ligtas ba kami dito.
Tamad kong minulat ang mata ko ng makaramdam ako ng mahihinang tapik sa pisngi ko, bumungad sa'kin ang kadiliman pero unti unti ding gumuguhit ang isang mukha.
"Zael!" mahinang bulong ng isang pamilyar na boses sa'kin.
"Zael, We have to go!" unti unti kong namukhaan ang boses.
"Bakit??!" tanong ko kay Mak, kumunot ang noo ko ng nilibot ko ang mata ko at wala akong makitang kahit anong liwanag maliban sa mumunting mga singaw ng liwanag ng buwan, hindi ko makita ang phone ko na nagbibigay sa'min ng liwanag kanina.
"Bakit ang dilim?nasa--"
"There's an eater! I turn it off! You said you're not going to sleep, stupid!" pinakiramdaman ko naman ang paligid at tama nga si Mak, maliban sa mga huni ng mga kuliglig ay may naririnig din akong tunog ng nababaling sanga.
Hindi ko man masiyadong maaninag si Mak ay napatingin ako dito ng maramamdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Sumunod ka sa'kin!" pasimple akong napangiti habang hinihila niya ako pero mabilis kong hinatak ang kamay niyang maalalang may sugat ang paa niya.
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Horor"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...