Nicer's
"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay may kuryente parin ang buong Hallosh city kahit na ganito ang nangyayari?" napatingin sila sakin.
What? Anong magagawa ko, kahit gwapo ako may utak din ako.
"Yeah, it's kinda weird" nagtataka si Dem habang nakahawak sa baba niya.
Kahit ako ay napapaisip din kung bakit nga hanggang ngayon ay may kuryente pa din kahit na ganito ang nangyayari sa'min.
Dapat ay wala ng kuryente o tubig dahil wala ng nagmomonitor sa mga power plant dito sa hallosh city, unless buhay pa ang mga tauhan doon at nagtatrabaho pa sila kahit na ganito ang nangyayari, pero imposible.
"Anyway Dem, samahan mo akong palitan ng benda si Zael" utos ko pero ang gago hindi man lang ako pinansin at nagpatuloy sa pagiisip niya kung nagiisip nga siya.
"Nice, mamaya mo nalang puntahan si Zael, kakain na tayo" napalingon naman ang gwapo kong mukha kay Xy ko, ngumiti ako at tumango mukhang okay na talaga bebe ko.
Kahit kausapin niya lang ako habang nakaapron siya, kinikilig ako, natuturn on. Feeling ko parang magasawa kami at mga kargador at hardenero at driver lang sila Dem.
Mga ilang minuto din ang lumipas ay dumating na 'yong kababata ni Makan na pangit, at ilang sandali din ay tinawag na kami ni Danwell para kumain, pumasok kami sa isa pang pinto sa tabi lang ng kitchen nila Makan.
Bumungad sa'min ang isang malaking kwarto na may mahabang glass na rectangular table na pinalilibutan ng mga bakal na upuan.
Malaki 'yon at kasya 'yon sa doseng katao na ikinamangha ko, dose nga 'yon ng bilangin ko, talaga ngang mayaman si Makan.
May nakasabit din na malalaking palamuti na plato sa wall, may painting din at hindi mawawala 'yong Last Supper na painting na kulay ginto ang frame.
"Sh*t! parang ngayon nalang ako ulit nakakain ng kanin" napatingin ako sa lamesa puno ng pagkain, may itlog at hotdog doon, may bacon din at sinangag na kanin, may slices ng apple din at may juice bawat isa.
Nagugutom na talaga ang gwapo. Para akong nasa hotel.
"So Guys, naano 'yang mga kamay niyo? bakit may mga benda?" panimulang tanong ng pangit na lalaki.
Nasa kaliwa niya si Ley na katabi si Cornelia, sa kanan naman ng pangit na lalaki si Makan, nasa harap naman ni Makan si Xy ko habang nasa kanan ako ni Xy ko, katabi ko naman si Dem at katabi niya si Danwell na katabi naman si Sol, si Damon ang nasa dulo at katabi ni Cornelia si Addieson.
Bakante naman ang isang upuan sa pinakaunahan ng lamesa.
"Long story" walang buhay na sabi ni Makan habang hindi inaalis ang tingin sa pagkain, napasimangot naman 'yong kababata niya, bwesit ang arte ng lalaking 'to feeling gwapo.
"Alcy, don't ask them, mukhang hindi maganda ang nangyari sa kanila" sabi naman ni Ley, ayokong tumingin sa kaniya, naaalala ko 'yong panahong iniwan niya ako.
"So guys kailan tayo aalis?" tanong ko at kinuha ang hotdog sa plato gamit ang tinidor, napatingin naman sila sa'king lahat, ayaw kung magassume pero expected ko naman na mapapatingin sila sa'kin, hell ya? ang gwapo ko kaya.
"We can't sure of it, sobrang lakas ng ulan sa labas kagabi pa at mahihirapan tayo bumyahe lalo na sa sitwasyon natin ngayon dagdag pa si Zael" sagot ni Dem, tumango naman ako.
"So are we going stay here for a while?" sumusubo ng hotdog si Xy ko, tumango si Dem na parang ikinabigat ng atmosphere namin ngayon.
Naiintidihan ko sila kahit ako ay namimiss ko na si mama at papa, nagalala din ako para sa kanila, ayoko mag assume pero sana ay ayos lang sila.
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Horror"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...