Chapter 7

8.9K 462 23
                                    

ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:

Sabado ngayon at napagpasyahan namin ni Rese na maglinis ng boarding house.

"Ito yung walis oh",aniya sabay bigay ng walis tambo.

Kinuha ko naman yun at pumunta sa kasulok-sulukan ng boarding house.

Sa kalagitnaan ng paglilinis namin ay bigla namang nagtanong si Rese.

"Ash,sayo ba yung bigbike sa labas?",nahihiya niyang tanong sa'kin.

"Yup",tipid kong sagot habang nagwawalis.

"Uhmm..ano..matanong ko lang.Bakit ka nag-b-board ng mamurahing boarding house kung mayaman ka naman pala.Sa pagkakita ko sa bigbike mo eh sigurado akong mahal yun dahil nakita ko na iyong ganong modelo sa TV.",napatigil ako sa aking ginagawa at hinarap siya.Nagsinungaling nalang ako upang hindi na siya magtanong pa.

Sinabi ko sa kanya na napalanunan ko lang yun sa isang karera.Napaniwala naman siya sa sinabi ko pero alam kong nagdadoubt parin siya ng kunti.

"So magaling ka pala sa karera?",tanong niya pa.

"I think so",i answer.

"Ang galing!",sabi niya na nakangite.Napangite na rin ako.

"Hala ngumite ka!",gulat niyang sigaw at natigil ako sa ginagawa ko.

Tumayo ako at lumipat sa ibang lugar.

Alam kong nasaktan siya sa pakikitungo ko sa kanya pero anong magagawa ko eh ayaw kong mapalapit siya sa'kin dahil baka mapahamak lang siya.Ayaw ko siyang madamay sa problema ko.

Siguro,kaya ako napangite kanina ay dahil naaalala ko sa kanya ang sarili ko noon sa Europe.Yung masaya at makulit na ako kahit may naghahabol sa'kin at tangka akong patayin.

"Ash,pasensiya na kung may nagawa man akong kinagagalit mo",sabi ni Rese.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa'kin.

"Wala kang maling ginawa at pasensiya na kung ganun ang asal ko sayo",tugon ko.

Ang kaninang malungkot niyang mukha ay napalitan ito ng saya.

"Nga pala Ash,pwede mo ba akong samahang magrocerie?Ubos na kasi stock natin",aniya at tinuro ang ref.

"Sure,sandali at magbibihis lang ako"

Pumasok na nga akong silid at nagbihis.Ang suot ko ngayon ang pinamiling damit ni Rein sa'kin na maluwang na T-shirt at fitted jeans,atsaka robber shoes.Nagcap din ako dahil alam kong mainit sa labas.

Nang okay na ang lahat ay lumabas na ako'ng silid.Nakita ko naman si Rese na bihis nadin habang may hawak na payong.Nang lumingon siya sa'kin ay napatulala siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

May mali ba sa suot ko?

"Ah Rese?tara na?",aya ko dito at nagising naman siya sa pagkatulala.

"Oh,s-sure",aniya at dali daling tumalikod at lakad palabas.

Weird

"Rese,gamitin nalang natin bigbike ko!",sigaw ko ng papara na siya ng jeep.

"H-huh?",aniya na parang hindi makapaniwala sa narinig pero sumang-ayon naman ito.










RESE'S POV:

Lord,ito na ba??Ito na ba ang maagang paregalo niyo sa'kin?Kung ito na nga.Maraming salamat!

Sa wakas ay may lovelife na ako!At higit sa lahat ay ang gwapo pa!Daig niya pa si Lee min hoo ng Legend of the blue sea na kinaaadikan ko ngayon!Goshhhh.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon