XENON'S POV:
"What the heck kuya?Anong hinithit mo kagabi?",walang habas na sabi ni Xia sa'kin pagkarating.
Hindi kasi ako nakatulog kagabi.Hindi mawala sa isip ko yung usapan namin ng nurse.
"Shut up Xia"
"Hahaha!Para kang panda kuya.Mapicture nga",aniya at itinapat sa'kin ang phone niya kaya hinarang ko naman ang kamay ko.
"Tigilan mo nga yan!Ano ba!Isa Xia!Malilintikan ka talaga sa'kin!",inis kong sabi dahil pilit pa rin ako nitong picturan.
"Xixi,tigilan mo nga yang kuya mo.Baka masagi mo ang sugat niya",dating ni Mom habang may dalang prutas at breakfast ko.
"Hahaha!Eh kasi mom.Ang pangit pangit ng hitsura niya.Ang laki at itim ng eyebags!",tatawa-tawang sabi ni Xia at nagpapasalamat ako't tinigilan na ako nito.
Napaharap naman si Mom sa'kin.
"Hindi ka ba natulog kagabi anak?",tanong niya.
Napabuntong-hininga ako "Yes mom.Hindi kasi ako makatulog"
"Bakit?Masakit ba iyong sugat mo?"
"Sort of",pagsisinungaling ko na lang.
Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin yung nangyari.
"If that's the case,do you want me to call the doctor"
"No need mom,hindi na naman masyadong masakit"
"Okay"
Akala ko ay babantayan ako nito ngunit maya-maya,mga tatlong oras ang lumipas ay bigla siyang nagpaalam umalis dahil marami pa raw siyang mga pirmahin sa office,kaya si Xia na lang ngayon ang kasama ko.
"Xia,pakibalatan nga yang mansanas,gusto kong kumain",utos ko sa kanya.
Napatigil naman siya sa kakacellphone at taas kilay akong hinarap "Demanding ah",suplada nitong sabi.
"Nakiusap ako,kung sakaling hindi mo narinig"
"Yeah right",aniya sabay ikot ng mata,ngunit ginawa niya pa rin naman ang sinabi ko.
Habang binabalatan niya ako ng mansanas ay naisipan kong buksan ang TV nitong kwarto at nanood.Ngunit sa kalagitnaan nang panonood ko ay biglang may kumatok sa pintuan kaya napaharap kaming dalawa doon.
"Pasok",Xia.
Agad namang bumukas iyong pintuan at nang makita namin kung sino ito ay laking gulat ko ng si Ashton ito at yung isa pa nilang kaibigan.Tila bumalik na naman sa isip yung nangyari kahapon which is not good.
"Bruha!Nandito kayo!Pasok kayo",natutuwang sabi ni Xia sabay lapit sa kanila.
"Kumusta ang kuya mo?",tanong nung Rese sa kapatid ko.
"Ayun,hindi pa magaling",sagot ng kapatid ko.
"Ah,heto nga pala",sabay bigay nito ng dala.
May pinag-uusapan pa silang dalawa ngunit hindi ko na ito narinig dahi inilipay ko ang atensiyon ko sa taong kasama nila.Habang tinitigan ko siya ay laking gulat ko nang bigla siyang humarap sa'kin kaya awtomatiko kong nabawi ang tingin ko.Hindi ko alam pero narararamdaman ko ang hiya at nerbiyos.Mas nadagdagan pa ito nang makita ng peripheral view ko na naglalakad ito papunta dito sa kinaroroonan ko.
"Hey",a familiar voice said right exactly at my side which made me twitched.
Unti-unti ko ring nararamdamang uminit ang tenga ko at pisngi.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
