ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
"Angel ko,dito!",tawag ni Sky pagkaakyat ko sa school bus.
Lumapit naman ako sa kanya.
"Natagalan ka ata Pareng Ash?",Leo.
"Ask those two lunatics",batrip kong sagot.
Kanina lang kasi ay pilit akong kaladkarin nina Rese at Xia sa bus nila.Hindi lang yun,dahil din sa ginawa nila ay pinagkaguluhan rin ako ng mga kaklase nila at ng ibang studyanteng sakay ng bus at nakiaya sa akin na doon na sumakay sa bus nila.Halos paghihipuin na ng mga to ang buong katawan ko kung hindi lang dumating ang isa sa guro at sinita ang mga to.
"Nandito na ang lahat?",tanong ni Miss Sheena.
Nagsi-oohan naman kami.
"Good"
Hindi nagtagal ay umandar na ang bus.Tatlong oras ang lumipas ay narating din namin ang destinasyon namin.Agad kaming pinagtitipon sa isang lugar at ibinigay sa amin ang mga instructions.Ipinagbigay alam din sa amin kung sino ang magiging partner namin sa ibang activities at sa tents.
"Ano?Grade 12 ang magiging partner natin?",sambit ni Vincent habang nakikinig kami sa sinasabi ng Guro sa harap.
"Swerte na lang tayo kapag hindi gago ang makapartner ng bawat isa sa atin",Cedric.
"Tama",sang-ayon ni Ched.
Matapos maibigay sa amin ang pangalan ng magiging kasama namin ay agad naming itinayo ang tent.
"Woah,magaling ka pala nito pare?",sambit ng partner ko na sabay patong ng kamay sa balikat ko habang itinatayo namin ang tent.
Hindi ko mapigilang mag-kunot noo sabay tingin sa kamay nito sa aking balikat.Agad nitong binawi ang kamay at hilaw na napatawa nang mapansin nito ang tingin ko.Hindi ko na ito pinansin at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa ko.
"Anong gagawin nito pare?Di ko alam pano eh",anas nito sabay taas ng hawak.
Iniwan ko naman ang ginagawa ko at tinulugan ito.Habang abala ako sa ginagawa ay bigla nitong pinahiran ang pawis ko na ikinagulat ko.
"Pasensiya na,sobrang pawis mo na kasi.Kahit ito man lang ang maitutulong ko",aniya.
Weird ko lang itong tiningnan bago ibinalik ang atensiyon sa pag-papatayo ng tent.Ilang sandali ang lumipas ay naitayo din namin ito.Nang tingnan ko ang iba ay papatapos na rin ang mga to,ngunit may iba ring hindi pa nakakalahati.
"Mukhang tayo ang naunang natapos ah",sambit ng katabi ko.
"Ano.. "
Automatiko kaming napalingon sa likuran namin matapos marinig ang boses na iyon.Naikunot ko uli ang noo ko nang bumungad sa akin ang di ko kilalang mga babae.Napansin ko rin ang tinginan ng iba sa amin lalo na ang mga babae.
"Bakit?"
I can't help but to glance at the guy beside me because of the seriousness of his voice.
"Ano..uhmm..tapos na ba kayo sa ginagawa niyo?",nahihiyang tanong ng isa.
"Oo,bakit?",tanong muli ng katabi ko habang ako ay nanatili pa ring tahimik.
"Talaga?",masayang sambit ng isa"Uhmm ano lang...gusto sana namin humingi ng tulong sa inyo sa tent namin.Hindi kasi kami marunong magpatayo nun.Okay lang ba?"
"Sorry,pero hindi din ako marunong niyan.Sa iba na lang kayo humingi ng tulong",walang pag-aalinlangang sagot nito.
"Ha?Okay lang.Him will do",sagot ng babae at biglang hinawakan ang braso ko.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Fiksi RemajaPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
