KIM'S/KIMBERLY'S POV:
"What,coach?!Pupunta sila dito?!",gulat kong sambit nang ianunsiyo nito ang pangalawa o panghuling practice match namin sa NBHS na gaganapin dito sa campus.
"Yes, Kim at kung maaari sana ay umayos ka,kayo.Ayaw ko nang mangyari uli yung nangyari noon.Alam kong may hindi magandang namamagitan sa inyo ng batang tinulak mo noon sa pool pero sana naman wag niyong dalhin sa practice natin.I don't want more insult coming from the other Coach",sinserong pakiusap ni Coach.
"Yes Coach",i reply.
"I will look forward to that.By the way,asan na si Ashton?I need to talk to him",pang-iiba nito ng unsapan.
"Hindi pa dumarating Coach",sagot ni Dex.
"Oh.. really?",parang nasisiyahang anang nito imbis na magalit.
Eh?
"Coach!",sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at nadatnan namin ang kumpol ng NBHS swimming team na papasok dito sa loob.Ang kaninang sumigaw ay ang coach nila.
"Nandito na pala kayo,welcome to WFA sir",anang ni coach habang naglakad papalapit sa kanila upang ito'y salubungin.
Habang tinatanaw ko silang dalawa ay parang may naramdaman akong nakatitig sa akin, at hindi nga ako nagkamali dahil nang hanapin ko yun ay sumalubong sa'kin ang mukha ng manloloko.May pangite-ngite pa itong nalalaman na ikinasalubong ng dalawa kong kilay.Hindi ko mapigilang umirap at tinalikuran ito.
"Face here!",biglang sigaw ni coach at sinunod namin ito"Mag warm up muna kayo,so we can start the practice.You could join to our visitors so we won't consume a lot of time"
"No need coach,my team don't need that",may kayabangang ani ng coach ng maloloko.
"Is that so coach?You're team are truly amazing",manghang sambit ni coach pero yung mukha niya ay hindi ganun ang ipinakita, na siyang nakapagtataka.
"That's what they said",walang kahiya-hiyang sagot ng kausap ni coach.
Hindi ko alam na mayabang pala tong coach ng damuho.
"Hahaha!Right",si coach.
Tsk.. if i know hindi rin natutuwa tong si coach pero hindi niya lang pinapahalata...
"Okay team.Kayo na lang ang mag-wa warm-up",ngiteng sambit ni coach.
Sinunod naman agad namin siya.Habang ginagawa ko ang warm-up ay may biglang nagsalita galing sa likuran ko na siyang ikinagulat ko,ngunit agad ko ring inayos ang sarili ko at taas noong hinarap ang manloloko.
"Bakit?",walang kagana-gana kong tanong na para bang walang pake sa kanya, pero ang totoo ay gusto ko nang sampalin ang pagmumukha nang lalaking to.Sino ba naman ang hindi eh suot na naman niya ang mapang-asar niyang ngite.Hinahamon na naman ako!Nakakagigil!Sarap burahin ang bibig!
"Nice,nag-iba ka ata?Hindi ka na pikonin tulad noong huli nating kita",ngi-ngite nitong anas.
Asar!
"Nandito ka lang ba upang sabihin yan?Kung oo pwes lumayas ka na",malumanay ko pa ring sambit.
"Hahaha!Seriously?Gusto mo talaga akong umalis?Sa natatandaan ko noon pilit mo akong wag kang iwan?At noong huli nating kita ay ipinapakita mong affected ka pa.Cut the act babe and be yourself.Malay mo,magkaka-interesado uli ako sayo.",walang kahiya-hiya nitong sabi.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
