Chapter 72

5.4K 292 18
                                    

SKY'S POV:

"Angel ko.Saan ba kayo pumunta kagabi?Hindi ko kayo nakita ah",tanong ko sa Angel ko habang pababa kami ng hagdan bitbit ang mga gamit namin upang maipasok sa van.

Kagabi kasi ay bigla itong nawala kasama sina Rese at Xia.

"Angel ko?",tawag ko sa kanya dahil nanatili itong tahimik.

"Just somewhere",malumanay niyang sagot at nauna nang maglakad.

Dinalian ko naman ang paglalakad ko upang mapantayan siya at nang malapit ko na siyang maabotan ay bigla siyang tumigil kaya napatigil rin ako.

Nagkunot-noo ako ng bigla siyang yumuko at sinundan ko naman ng tingin ang tiningnan niya.Bola ito ng volleyball at mukhang gumulong ito sa paanan niya.

"Pre!Pakipasa ng bola!",sigaw ng kung sino sa kung saan at nang harapin namin ito ay agad na uminit ang ulo ko nang makita kung sino ito.

Nagulat rin ito nang makita kami ngunit kalauna'y ngumise ito ng mapang-asar.Ito yung lalaki na sobrang yabang kahapon.Nang tingnan ko ang nasa likuran nito ay mas uminit ang ulo ko nang makita ang mga kasama nito na ngumingise rin.

"Oh Sky,bat hindi pa kayo pumun---Nak'nang!Hindi pa rin umalis ang mga yan dito?",inis na lintaya ni Leo.Galing ito sa van.

"Pre!Pakiabot ng bola kahit kapalit lang sa ginawa mo sa'kin kagabi",ngise pa ring sambit ng lalaki.

Anong nangyari kagabi?

Tatanungin ko na sana si Angel nang bigla siyang yumuko at pinulot yung bola.

"Naks,hindi ka naman pala masama",asar pa rin nito "Sige pre,ibato mo na",utos ng lalaki, ngunit nanatiling malamig na nakatitig si Angel sa kanya habang hawak pa rin ang bola.

"Pre?Mukhang bobo ata ang isang ito.Hahaha",panunuya ng lalaki sabay lingon sa mga kasama nito at sila'y nagtatawanan.

Susugudin ko na sana ito ngunit biglang hinagis ng Angel ko ang bola sa ere at tila nagslow-mo ang paligid nang bigla rin siyang tumalon at hinampas ang bola sa ere.

"Ugh!",daing ng lalaki matapos matamaan ng bola.Napahiga ito sa buhangin matapos saluin ng mukha nito ang bola.Dumugo rin ang ilong nito.

Matapos yung gawin ng Angel ko ay agad rin siyang tumalikod at pumunta na sa van.

C-cool!

***

"Hoy babae,ano ba ang nangyari kagabi?",tanong ko kay Rese nang paandarin na ang van.

Nasa harapan ko banda ito nakaupo.At kung tatanungin kung asan ang Angel ko ay nasa pinakalikod uli ito nakapwesto.

"Papisil muna ng cheeks",kondisyon niya.

"Alam mo?Nakakainis ka nang babae ka.Sagutin mo na lang ako pwede?",inis kong sambit.

"Oh My.....are you proposing to me?",arte niyang anas.

Uminit naman agad ang ulo ko sa sinabi niya.

"Badtrip ka talagang babae ka.Wag na!",bawi ko.

Kahit kailan hindi ko talaga makausap ng matino ang baliw nato.Kung hindi lang ito babae masasapak ko talaga to.

"Hahaha!Pikon talaga itong baby boy ko.Osige sasabihin ko na sa iyo.Lapit ka",aniya ngunit hindi ko ito sinunod.Alam ko na ang nasa isip into.

"Osige bahala ka.Hindi mo malalaman"

Nagbuntong hininga ako at lumapit.Kung hindi ito magtino masasapok ko talaga tong babaeng to.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon