ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
Naimulat ko ang mata ko nang may marinig akong kalabog sa labas.Dali-dali akong bumangon at bumaba ng kama.
"Anong nangyaya----",hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ang ko ang anim na ungas sa sala.
Nilipat ko ang tingin kay Leo na nakasalampak sa sahig.Ito siguro ang dahilan ng kalabog kanina at kung hindi ako nagkakamali ay dahil yun sa kulitan nila.
"Ahehehe,pasensiya na sa ingay Pareng Ash"
"Anong ginagawa niyo dito?",sa halip ay tanong ko.
"Ah eh,napasyal lang"
"Oh,gising ka na pala",dating ni Rese.Galing ito sa kusina."Halika na,kumain na tayo",aya nito.
"Why did you let them in?We have work right?",i asked her.
It's Sunday today.
"Oo pero nagpupumilit sila eh"
"Tsk"
Pumasok ako uli sa loob ng kwarto ko upang makapag-ayos.I'm still on my pajama.Matapos ako sa ginagawa ay agad din akong lumabas.Nasa hapag kainan na ang mga ito ng abutan ko.Nang makaupo ako ay agad naming sinimulang kumain.
"Pareng Ash,sa totoo niyan ay gusto sana namin kayong yayaing mamasyal kaya kami nandidito",Leonardo.
"We have work,so we can't go with you"
"Ashton,hindi namin alam na nagpa-part time job pala kayo",sambit ni Davinci sa kalagitnaan ng kainan.
"Oo nga Angel,saan pala kayo nagtatrabaho?",tanong ni Sky.
"Why?You want to work?"
"Hindi.Pero talaga?Pwede ako doon sa kabila ng mura kong edad?"
"Hindi"
"Eh bakit mo natanong?"
"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin"
"Eh ano?"
"Hindi ka pwede doon at yun ay dahil hindi sila tumatanggap ng stick ng posporo",asar ko sa kanya sabay ngise.
Agad na nagsitawanan ang mga loko.
"Bwahahaha!Agree ako diyan pareng Ash!",Leo.
"Pano ba yan Sky,mukhang oras ng kumain ka ng kaning baboy",asar din ni Davinci.
"Wag kang mag-alala Sky,ako ang magiging supplier mo.Nanakawin ko yung isang sakong B-meg ng Tito ko sa piggery niya",segunda ni Francis.
"Hahaha!But atleast cute yung mukha.Diba baby Sky?Dito ka na lang sa mommy Rese mo.Kahit stick ka pa ng posporo lablab ka pa rin ni mommy",asar din ni Rese.
Nagsihalakhakan na naman ang mga to.Hindi na maipinta ang mukha ni Sky sa inis.
Pfft!
"Mga hangal!Eh kung pagsusuntukin ko kayo?Isa ka ring baliw ka.Mommy mukha mo.Bwisit!",inis nitong sambit.
Pinagtatawanan lang siya ng mga to.
"Wahh sali ako!",sigaw ng pamilyar na boses sa likuran namin.
"Xi!Mabuti at andito kana.Maupo ka",alok ni Rese dito.
Nag-iisa lang ito ngayon.
"Ikaw lang ata?",tanong ni Rese matapos maupo ni Xia.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
