This chapter is dedicated to PHearl_Sie who made the new book cover of my story.Salamat po talaga nang marami.Ang ganda po ng gawa niyo sa totoo lang.
********
KIMBERLY'S/KIM'S POV:
Ngayon na ang practice match namin sa NBHS at papasakay na kami ngayon ng mini school bus upang makarating doon.Four pm din kasi ang uwian kaya sakto lang talaga ang oras para sa gagawing practice match ngayon.
"Oppa tatabi ako sayo ha?",paalam ko kay Ashton pero hindi man lang ito kumibo.So ibig sabihin....okay lang?hihihi."Thanks oppa",masaya kong sabi at uupo na sana sa tabi niya nang biglang may nagsalita sa likoran ko.
"Move stupid woman.You're not worthy enough to sit with him",sabi ng tao kaya agad akong napaharap sa aking likuran at nakita si Keith.
"Keith!What's that attitude again?!",inis na sigaw ni Coach na ngayong nakaupo sa unahan habang kunot-noong nakalingon samin.
"It's okay coach,lilipat nalang po ako",sabi ko nalang at naupo sa tabi ni Dex.Nagulat pa siya sa biglaang pagtabi ko.
"What?",taas kilay kong tanong sa kanya.
"W-wala"aniya at inilipat ang tingin sa labas.Ang weird niya ha.
Nang lingunin ko ang banda kung nasaan si 'Oppa' ay agad nagsalubong ang aking mga kilay sa nakita.Paano ba naman,ang bubwit na tumaboy sa'kin ay ngayo'y nakaupo na sa tabi ni Oppa.Ang galing lang!Naisahan ako doon ha.
Mga 10 minutes siguro narating namin ang NBHS.Hindi naman kasi ito kalayuan sa aming school.
Habang pababa ng bus ay pinagtitinginan kami ng mga studyante dito sa parking lot ng NBHS.Four pm din kasi uwian nila kaya marami talagang nakakalat na mga studyante sa paligid.
Saktong mai-apak ko ang aking mga paa sa sementadong lupa nang biglang tumili ang iilan sa mga babaeng nandidito at may iba ding nagbubulungan habang nakatitig sa aking likuran o mas sabihing sa bukana ng bus.Isa lang ang dahilan nito.Walang iba kundi si 'Oppa'.Humarap ako sa likod at nakita siyang poker-faced na bumaba ng bus.Nakasunod din sa kanya si Keith.
"Follow me",agad na sabi ni coach pagkababa nilang dalawa,pagkatapos ay nauna nang naglakad.Sumunod na lang din kami sa kanya.
Kahit paglalakad namin ngayon ay pinagtitinginan pa rin kami ng mga studyante.Lalong lalo na si Ash.Napapatili at kinikilig pa yung mga studyanteng babae na nakakasalubong namin dahil sa kanya.Well,hindi ko rin naman sila masisisi...sobrang gwapo at cool naman talaga ni Ash kahit saang angulo.Yun nga lang suplado at cold ito.Nagsisi nga ako noong pinagsasalitaan ko siya noon,yung una naming pagkikita.Sa tingin ko kasi,yun ang dahilan ng pagiging cold niya sa'kin.O sadyang feelingera lang ako at hindi pala dahil dun.Pero mali pa rin yung ginawa ko eh.Ewan ko ba,bakit pa kasi ako nagpadala sa galit ko noon sa hinayupak na lalaking nanloko sa'kin.Speaking of hinayupak...dito din yun nag-aaral eh.Pero well,wala akong pakialam.Impossible namang magkikita kami ng taong yun eh kilaki-laki nitong school.Baka nga nanloko na naman yun ng mga babae sa tabi-tabi.
"Ang lalim ata niyan",biglang sabi ni Dex na ngayong kasabay ko sa paglalakad ng hindi ko namamalayan.
"Oo nga.Pwede ka na ngang malunod eh",pambabasag ko sa kanya.Hahaha ang sama ko talaga kay Dex.Hindi naman sa may galit ako sa kanya.Ang bait nga ng tao eh,sadyang ako lang tong loka-loka.
"Yan ka na naman",aniya at nag kibit balikat lang ako.
Nang marating na namin ang natatorium ng paaralan ay agad kaming sinalubong ng isang lalaking nasa 40s.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
