ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
"Ash!samahan mo'kong maghanap ng trabaho dali",biglang sulpot ni Rese habang naglalaba ako dito sa likod ng boarding house.Sabado kasi ngayon at naisipan kong maglaba dahil tambak na ang madudumi kong damit.
"May ginagawa ako",sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya at panay kuso sa damit.Wala siyang washing machine dito kaya kailangan talagang magkamay sa paglalaba.
"Mamaya mo nalang ituloy yan,sige na",kulit niya.Binaba ko ang damit na hawak ko at nilingon siya.
"Bakit mo ba naisipang maghanap ng trabaho ha?",poker-faced kong tanong.
"Ih basta",aniya.
"Then leave",ipinagpatuloy ko ang paglalaba.
"Ash naman ihh!",sinisiguro kong nakasimangot siya ngayon kahit hindi ako nakatingin sa kanya.Bahala siya jan.Sabihin niya muna kung ano ang dahilan.
"Just spill it Rese,and i will go with you",binabanlawan ko na ngayon ang mga damit.
"Pwede bang pass nalang?",hinarap ko siya.
"Ano kala mo,basketball?",sabi ko at tumayo upang isampay ang damit na natapos ko nang banlawan.
"Osige na nga!Nanakaw kasi wallet ko kaya nangangailangan ako ng pera ngayon.Siguro ninakaw yun nung nagcommute kami ni Xia kahapon.Nandoon lahat ang allowance ko eh.Sayang talaga.Kaya pala ang likot-likot ng katabi kong mama kahapon sa jeep.Hindi ko naman agad nalaman na ninakawan ako dahil nilibri ako ni Xia ng pamasahe",nakasimangot nitong turan.
"Kung hindi ka ba naman tanga tch",inumpisahan ko na ang pagsasampay.
"Oo na,ako na ang tanga..makapagsalita to.So ano payag kana?"
"Tch.Ba't ba isasama mo pa ako?",tanong ko.
"Ih gusto kong tayong dalawa eh para may kasama naman ako pauwi",aniya.Ginawa pa akong tagasama niya.tch.
"Bakit di nalang si Xia ang isama mo?"
"Eh sure akong gagabihin ako eh"
Nag-isip muna ako.Di naman pwedeng si Xia ang sasama sa kanya dahil pareho silang babae.Delikado sa kanila ang magpa-gabi.Baka may loko-loko silang makasalubong sa daan at kung ano ang gagawin sa kanila.
Teka parang may mali..diba babae din ako?did i just forget it?!Pwede ba yun?Pero iba ako sa kanila...kaya no choice.
"Fine",ani ko at umalis.Tutal tapos na ako sa paglalaba.
"Sasamahan mo na ako?!",rinig kong sigaw niya habang papasok ako sa loob.
"Oo na,maliligo lang ako",sagot ko.
"Yes!"
***
"Naku iha,nakakita na kami",sabi ng isa sa kusinera ng karinderyang pinagtanungan ni Rese.
Panglima na namin tong pinuntahan upang pag-applyan ni Reae.At pinagpapawisan na din ako dahil sa matinding init.Mag t-twelve na kasi.Idagdag mo pang naiirita ako sa mga titig ng mga taong nakakasalubong namin.
"Ah ganun po ba?Sige po salamat nalang",malungkot na sabi ni Raih at naglakad sa kinaroroonan ko.
"Tara",ani ko at nauna nang maglakad.
"Ash,kung gusto mo mauna kanang umuwi",napahinto ako at kunot-noo siyang nilingon.
"Are making fun out of me?",medyo inis kong tanong.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
