Still KIM'S POV:
"Kyahhh!!Ayaw ko na!",maiyak-iyak na sigaw ni Xia matapos siyang gulatin ng isang kalansay.Sa totoo lang ay ayaw ko na rin dito,kahit hindi dapat masyadong nakakatakot tong booth dahil may araw pa eh hindi yun ang nangyari.Ang galing lang ng pagkagawa nila,at hindi ko mapagkailang natatakot din ako at alam kong ganun din sina Rese at Keith.Si Oppa nga lang siguro ang hindi.Hindi man lang kasi ito nagulat o napahiyaw kahit kunti.
"Ayun!Yun yung pinto na sinabi nila diba?!Puntahan na natin!",biglang sigaw ni Rese habang may tinuturo at tiningnan naman namin ang itinuro niya at tama nga siya.Bago kasi kami tuloyang nakapasok sa loob ay sinabihan muna kami sa kung ano ang gagawin namin at kasali na duon ang pinto kung saan kami lalabas.Malaki rin kasi itong lugar na ginamit nila para sa booth nila kaya nakalilito kung saan yung daanan.
Habang papalapit kami duon sa pinto ay biglang may kunting kalabog akong narinig mula sa likoran ko ngunit ipinagsawalang bahala ko lang yun.Baka ano pang makita ko...hindi ko na kayang makakita pa nang nakakatakot at nakakadiring mga mukha.
"At last!Nakalabas din tayo!Hindi na talaga ako uulit pa",sambit ni Xia pagkalabas namin habang sapo ang dibdib at hinihingal dahil sa ginawa niyang paghihiyaw kanina.
"Ako rin.Muntik na akong atakihin kanina",si Rese habang hawak ang magkabilang bewang at hinihingal rin.
"Pero ang saya din nun ah.Lalo na nung napatalon ka kay Ash nang hawakan ka nung babaeng wasak ang dibdib",Xia
"Yeah yeah",sagot naman ni Rese sabay ikot ng mata."By the way kumusta kayong dalawa?Ang ingay niyo din kanina ah.Lalo na itong batang ito",sabay gulo ng buhok ni Keith at winaksi naman yun agad ni Keith,pagkatapos ay sinamaan siya ng tingin.
Napabungis-ngis naman kami sa mukha ng bata.Ang cute kasi.
"Teka,nasaan si Ash?",biglang tanong ni Xia at agad naman akong napalingon sa likoran ko ngunit ni anino niya ay hindi ko nakita.
"Oo nga.Diba nasa likoran lang natin siya kanina?",Raih.
Likuran...wait!wag mo sabihing-!
"Kailangan nating bumalik sa loob",wala sa sarili kong anas.
"Why?Wag mo sa sabihing andun siya?",sabad na ni Keith.
"I think so...",sagot ko.
"What?!",gulat na tanong ni Xia. "Pero 3 minutes na ang nagdaan ah"
"Mas mabuting pumasok uli tayo gaya ng sinabi mo",sabad ni Rese habang taimtim na tumitig sa akin"Mukhang may ediya ka sa nangyayari",dugtong niya.
"Osige,tara bilisan natin",si Xia at nauna nang lumapit sa pinto.Nang pipihitin na niya ito ay may naunang pumihit nito mula sa loob at nang bumukas ang pinto ay muka nina Mat, Red at Xenon ang bumungad sa amin.
"Baliw?Bat andito pa kayo?",tanong ni Mat ngunit hindi ito pinansin ni Xia sa halip ay pinatabi niya ito at nauna nang pumasok.Ganun lang din ang ginawa namin.Pero sadyang makulit ata ang tatlo at hindi kami tinigilan.Sumunod ito sa amin ngayon.
Habang papalapit kami sa lugar ay automatikong nanlaki ang mga mata ko nang may naaninag akong bulto ng tao ng nakahiga sa sahig.Agad kaming lumapit dun at ang sumunod na nangyari ay hindi ko na lubos maintindihan.
Namalayan ko na lang ay tumatakbo kami ngayon papuntang school clinic habang bitbit ni Xenon si Oppa na nawalan ng malay matapos ang paghahabol hininga niya.
"Nurse!We need help",naiiyak na sigaw ni Xia pagkarating namin.Agad niya naman kaming tinulungan,pero sa oras na pupunitin na niya ang damit ni Oppa ay may biglang sumigaw malapit sa pintuan.At nang alamin namin kung sino yun ay mukha ng presidente ng student council ang bumungad sa amin.Sa katunayan ay minsan lang itong lumalabas sa office niya kaya nakakapagtaka na nandito ito ngayon at parang kilala nito si Ash.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
