Chapter 55

6.7K 283 14
                                        

XIA'S POV:

"Xi",dating ni Rese sabay upo sa tabi ko.Championship game ngayon sa basketball at WFA basketball team at NBHS ang siyang maglalaban,same as last year.

"Oh,bat ngayon ka lang?Tsaka asan si Ash?",tanong ko.

"Naku wag mo nang tanungin.Sasakit lang ulo ko.At kay Ash naman, wag kang mag-alala.Darating din yun maya-maya."

"Good.Paano mo siya napilit?"

"Hay naku Xi.The power of acting.. diba?Yun nga lang..di katulad ng sayo na pang oscar award,kaya natagalan din.."

"Hahahaha!ganyan talaga pag maganda",biro ko.

May sasabihin pa siya sana nang biglang mag-ingay ang mga tao.Nang tingnan ko ang dahilan ng pag-iingay nila ay sila kuya lang pala na naglalakad patungong bleachers kung saan ang kanilang pwesto.Sumunod naman ang NBHS basketball team kaya mas lalong umingay ang paligid.Kanya-kanyang taas ng banner ang iilan.

"Go!Go!Let's go!Let's go! WFA!",cheer ng cheering squad ng school.

"Go!NBHS!Fight!Fight!Fight!",hindi rin nagpapahuli ang NBHS cheering squad.

Nang maayos na ang lahat ay hindi naman sila nag-aksaya ng oras at agad sinimulan ang laro.Nang tingnan ko ang mga players ay hindi ko nakita si kuya at nang hanapin ko ito ay nakaupo lang isa upuan.Mukhang di muna ito maglalaro.Nang tingnan ko naman ang kalaban ay hindi ko maiwasang mapakunot noo.

Si Felix... bat nandon siya?So ang NBHS pala ang tumanggap sa kanya at pinasali pa talaga siya sa team...

"Prrtt!!",tunog ng pito hudyat na nagsisimula na ang laban.

Sabay na nag-jump ball ang kalaban at si Red and luckily,si Red yung nakakuha ng bola ngunit agad niya din itong ipinasa sa kasama niya at nasalo naman yun ng lalaki at walang kahirap-hirap na ishinoot sa ring.Panibagong ingay na naman ang nangyari sa paligid dahil sa nangyari at kasali na kami doon ni Rese dahil sa tuwa na naramdaman.

Naging maganda ang daloy ng laro at walang naging kaproble-problema.Ngunit hindi ko pa rin maiwasang mabahala dahil sa susunod o sa pangatlong quarter ay mukhang papasok na si Felix.Hindi pa kasi ito sumali sa laro.Natatandaan ko na naman yung ginawa niya noon dito mismo sa gym na siyang ikinagalit ni Ash.Hindi imposibleng mangyari yun uli and worst,baka mas malala pa doon.Alam ko ang ugali ni Felix,sa haba ba naman ng panahon na naging kaklase ko siya at ka-team mate ni kuya.Ipagdadarasal ko na lang na sana hindi mangyayari itong iniisip ko.

*buzzer's sound*

Agad na huminto ang mga players pagkarinig ng tunog na nasasabing tapos na ang first quater.Pagkatapos ay agad din silang pumunta kung saan ang mga kasama nila nakapwesto.

"Xia.Tingnan mo yung scores",biglang utos ni Rese sa'kin at sinunod ko naman siya.

"Ang laki ng agwat nila.Mukhang mananalo uli ang WFA sa larong ito",dagdag niya.

"Wag tayong pakampante Rese.First quarter pa lang yan.Posibleng makakahabol pa sila.Lalo na't hindi pa pumasok si Felix"

"Si Felix?Nandito siya?Saan?",kunot-noo niyang tanong at itinuro ko naman kung nasaan.

"No way... ba't andito siya?At kasali pa talaga siya sa laro.Ano ba ang nangyayari sa NBHS?",naguguluhan niyang tanong.

"I don't even know Rese,but i hope what we are thinking right now won't happen",sagot ko.

"Sana nga"

Habang naghihintay kami dito para sa susunod na quarter ay biglang may pumasok sa isip ko.At automatiko akong napatingin-tingin sa paligid namin.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon