ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
"Class dismissed",sambit ng guro na huling subject namin ngayong umaga.
Agad kaming pumunta ni Sky ng cafeteria upang mananghalian.Pagdating namin sa table na kinauupuan nina Rese at Xia ay hindi ko mapigilang magkunot-noo matapos mapansin ang dalawang lalaking kasama nila.
"Ash,maupo kayo",alok ni Rese.
Umupo naman kami sa bakanteng upuan.
"Siya nga pala yung sinasabi namin sayong kaibigan niya",Xia.
"I'm Albert pare",agad na pagpapakilala nung isa at itinaas ang kamay.
Inabot ko naman ito at nakipagkamay.Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung sinasabi nilang kaibigan nitong nagngangalang Reymar.
"Kasama niyo na naman ata itong dalawang to pangit?Lalo na itong pakialamerong to?",walang kagatol-gatol na sambit ni Sky.
Gulat na napalingon silang lahat kay Sky.
"I'm sorry to say this,but hindi ako nangingialam nung isang araw.Hindi ko lang nagustuhan yung pinagsasabi mo lalo na't babae yung sinabihan mo",sagot nung Reymar.
"Ano naman ngayon kung hindi mo nagustuhan?Hinihingi ko ba opinyon mo?",ganti ni Sky.
"Hahaha.Mukhang gutom na talaga kayo.Kumain na tayo",sabad ni Xia.
"Hahaha..tama.Sayo na tong chicken ko Sky oh",pagak na tawang sambit din ni Rese at isinubo ang pagkain sa bibig ni Sky.
Sinamaan nito ng tingin si Rese sa ginawa ngunit sa huli ay tahimik nitong kinain ang nakasubong pagkain.Itinuon ko na rin ang atensiyon ko sa aking pagkain.
Tahimik kaming kumakain nung una ngunit di naglaon ay nagkukwentuhan na ang mga to,at sinali pa ang pangalan ko sa kwentuhan nila.Hinayaan ko na lang.
"Ah,Rese.May kalat ka sa mukha",agaw pansin na sambit nung Reymar bigla sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan nila na siyang ikinatigil rin nila.
"Huh?Saan?",sambit ni Rese sabay kuha ng tissue."Dito ba?",sabay lapat ng tissue sa kanang pisnge malapit sa labi.
"Hindi,sa kaliwa",turo ng lalaki ngunit hindi pa rin ito nahanap ni Rese.
Hindi nagtagal ay biglang dumukwang ang lalaki papunta sa kanya.
"Dito",sabi nito sabay pahid ng sauce sa na kumalat sa gilid ng labi ni Rese gamit ang hinlalaki.
Agad na naglalakihan ang kanilang mga mata.Nahulog pa yung kutsarang hawak ni Sky.
"T.. Thank you?",awkward sa sambit ni Rese.
"You're welcome",ngiteng tugon ng lalaki.
"Kyahhh",mahinang tili na katabi kong si Xia.
"Saan na nga tayo?",tanong ng lakaki.
"Doon sa nagdaang game natin dre",sagot ng kaibigan nito.
Hindi naglaon ay nagsisimula na naman ang mga tong magkukwentuhan.Pero mapapansin pa rin yung pagkailang ni Rese sa lalaki.
***
"Sige,bye sa inyo/Bye",sagot ni Rese at Xia sa dalawang lalaki nang magpaalam na ito.
May gagawin pa daw ang mga to.
"Hoy,bruha.Ano yung kanina ah",malisyosong sambit ni Xia sabay hampas ng braso ni Rese.
"Aray naman",daing ni Rese.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Fiksyen RemajaPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
