RESELLE'S/RESE'S POV:
"Hurry up Rese",pagmamadali ni Ash sa'kin pagkatapos niyang buhayin ang makina ng big bike niya.
"Oo,sandali",sagot ko naman at mas binilisan ang pagtali ng buhok ko.Nang matapos ako ay agad din akong sumampa sa sasakyan niya sa likoran at isinuot ang helmet na inabot niya, pagkatapos ay umandar na kami papuntang WFA.
Habang bumibyahe ay hindi ko naman mapigilang mapaisip sa nangyari noong biyernes.Napakalaking epekto nang ginawa ni Ash sa araw na yun sa buong campus.Ang daming nagbago,lalo na sa mga sangkot sa pangyayari.
Ang dating vice-president ng student council na si Samuel ay naging normal na studyante na lang sa utos ng dean at bilang parusa nito.Yung mga class-E's baseball players naman ay tinanggal sa sariling coach ng sinasalihang sports nila,gayun din sa grupo mga basketball player sa klase namin.Sa kaso naman kay Fiona ay nilipat siya ng dean sa class 11-D,gayun din sana kay Vina ngunit bigla itong nagdrop-out sa hindi malamang dahilan, pero usap-usapan na dahil nabaliw daw ito na siyang masakit para sa amin ni Xia.Tinuring o hindi niya man kaming kaibigan ay napalapit na rin siya samin.
Pero hindi pa yun ang lahat,nag-drop-out din si Felix, yung kaklase ko o miyembro ng basketball team dati,at hindi din namin alam ang dahilan,basta't ang nababalitaan nalang namin ay lumipat ito ng ibang paaralan kahit mag-n-next semester na at ang nakakapagtaka ay tinanggap pa rin siya ng school na nilipatan niya.
Kung si Xenon naman ang pag-uusapan,ay hindi na rin ito nangingialam kay Ash at madalang na rin itong pumapasok,halatang nasaktan ito sa nalamang katotohanan.At sa amin namang tatlong magkakaibigan,yung pag-iwas ni Ash sa amin,ay sinabi niya na rin ang dahilan,yun ay para mailayo kami sa kapahamakang dala ni Vina,lalo na si Xia.Tansiya ni Ash ay si Xia ang isusunod matapos yung nangyari sa'kin kung hindi lang niya kami dali-daling pinapalayo sa kanya noong matapos kong makausap ang dean tungkol sa pagiging exchange student ko sa WFA.
Speaking of pagiging exchange student ko,ay wala na yung bisa.Official na akong studyante ng WFA noong araw kinabukasan matapos kong makausap ang dean.Nakatanggap kasi kami nang balita na gusto ring manatili ng kapalitan ko sa dati kong paaralan na ang NAH.Siguro nagustuhan niya doon na siyang pabor sa'kin.
"How long will i wait Rese,for you to get down hmm?",tila inip na saad ni Ash,at nabalik naman ako sa realidad.
"Ay,nandito na pala tayo?",gulat kong tanong.
"Obviously,tsk!Baba",masungit niyang sabi at sinunod ko naman siya.
"Oo na",ngumunguso kong sagot "Ke agaga-aga ang sungit mo na naman",bulong ko sa huli ngunit sadyang matalas ang pandinig ng babaeng to at narinig pa.
"I heard you",aniya matapos matanggal ang helmet.
"Edi ikaw na ang hindi bingi",ngumunguso ko pa ring sagot.
"Tsk",click niya na lang ng dila at bumaba na rin ng bike niya.
Nauna siyang maglakad saming dalawa,nang papasok na kaming dalawa sa gate ay agad kaming napahinto nang biglang nagsisitakbuhan ang mga studyante sa amin o mas sabihing kay Ash.Mapababae,binabae o lalaki ay papunta sa amin ngayon,nakita ko pang akmang aatras si Ash at maglalakad palayo,ngunit huli na ang lahat dahil nakalapit na ang mga ito sa amin at pinagkakaguluhan siya.
"Teka!Sandali lang!",sigaw ko dahil naiipit na ako pero parang walang nakaririnig sa akin dahil panay pa sila sigawan at puri kay Ash.
Oo nga pala,nakalimutan kong isa din ito sa pagbabagong nagaganap dito sa campus.Mula noong biyernes ay unti unting nagkaroon ng tagahanga si Ash dahil sa ginawa niya.Lalo na nang malaman nang lahat ang kabayanihang ginawa niya kay Xenon.Pero hindi ko alam na dadami ito ng ganito at magiging agresibo pa.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...