ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
"Eh?Ano to?",our adviser asked as Sky cover her eyes with a cloth.
"Malalaman mo mamaya Miss Sheena",Sky.
"Just hold our arm",i said to her.
Hinawakan naman nito ang braso namin at iginiya na nga namin siya papunta sa classroom.
"Wag niyo sabihing ipa-prank niyo na naman ako.Naku malilintikan talaga kayo sa'kin"
"Tumahimik ka na lang po pwede?",napipikon na sambit ni Sky.
Hindi naman ito nakinig at daldal pa rin ng daldal.Hinayaan na lang namin.
"Okay,tanggalin mo na"
Tinanggal naman nito ang piring.
"Happy Teacher's Day!",sigaw ng lahat at kasabay nun ang paghampas ni Vincent ng pie sa mukha ng guro at ang pagpaputok nila ng party poppers.
Nagtatawanan ang mga to at napailing ako sa kalokohan nila.Itong preaparasyon na ito ang pinagkaabalahan namin kahapon.Akala ko ay walang plano na ang mga to pero meron naman pala at naghintay lang na may magbuluntaryong magsalita.At nang may magsalita naman ay puro naman kalokohan kaya pinatawag ko sina Rese at Xia, pero kahit sila na ang nagplano may nahalo pa ring kalokohan.
"Sinasabi ko na nga ba",tatawa-tawang ding sambit ng guro habang dahan-dahang tinanggal yung kalat sa mukha niya."But anyway,thank you.Hindi ko akalain na may pasorpresa pala kayo.Ayiee kayo ah"
"Haist....napipilitan lang kami ano.Atsaka kung hindi lang kami naawa sayo.....Baka iiyak ka dahil ikaw lang yung hindi binigyan ng ganito",Davinci.
"Yiee,talaga ba?Ang sabihin niyo love niyo ako"
"F*ck?I think i'm gonna vomit",sambit ni Vincent at umaktong nasusuka.
"Sus,ang arte nito.Pahiran kita nito eh"
"Mamaya na yan.Hipan mo muna tong cake Sheena at nang makain ko na",sambit ni Ched at inilapit ang cake na kanyang hawak.
"At nagsalita na ang matakaw",biro ni Leo at nagtawanan uli ang lahat.
"Hahaha!Kahit kailan ka talaga Ched!",maluha-luhang tawa ng guro.
"Tsk.Dali na",pagmamadali nito.
"Hahaha.Oo na,oo na"
Hinipan na nito ang kandila ngunit bago pa man mahila ni Ched yung pagkain ay biglang kumuha ng icing ang guro dito at ipinahid kay Vincent.
"What the hell?!",gulat na sigaw nito at sa hindi inaasahan ay gumati rin ito kay Miss Sheena at sa buhok ng guro iyon tumama.
"Icing Fight!",sigaw ni Leo at nagpahiran nga ang mga ungas.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko at pinagmasdan lang sila.Ngunit di naglaon ay ibinulsa ko ang mga kamay ko at tatabi na sana nang bigla akong pahiran ng kung sinong ungas.Hindi ko na ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagtabi ko.Ngunit di nagtagal ay pinahiran na naman ako.
Shut my eyes in annoyance and the next thing i knew,i am joining them.
"Waaahh!Sali kami!",dating ng dalawa.
Nakisali nga ang mga to.
***
"Hahaha!Ang panget-panget mo bruha!",tatawa-tawang sambit ni Xia.
"Ikaw din kaya!",tatawa-tawa ding sagot ni Rese.
Nandito kami ngayon sa washroom upang makapaglinis buhat ng kulitanan na nangyari kanina.That's was fun to be honest.It's been a while since i've experienced this much fun.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Novela JuvenilPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
