ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
Uyy.Narinig niyo ang balita?
Oo.Bakit kaya siya nilipat sa section F noh?
Gaga.Malamang may ginawang masama.
Sayang crush ko pa naman siya.
Hmp!wala akong pake kahit sa section F na siya.
Wahhh.Bakit dun pa siya nilipat?
Haha.Buti nga sa kanya.Yabang kasi.
Sa wakas babalik na sa'kin mga chicks ko.
Yan ang samu't saring bulungan ng mga studyante habang naglalakad ako patungong room ng section F.At hindi rin ako bobo para hindi malaman na ako ang tinutukoy ng mga ito.
News really have wings.
Pinagpatuloy ko lang ang pagalalakad ko nang may bumato sa'kin ng itlog at sakto talaga sa mukha ko.Tumawa ang mga nakakita.Naramdaman ko yun kanina pero hindi ako umiwas dahil tinatamad ako.Itlog lang naman yun.Hindi bala.
Hahakbang na sana ako upang umalis doon at hindi papansinin ang nangyari sa'kin nang sunod sunod silang nagbato ng itlog habang tumatawa.
Matapos akong batuhin ng mga lalaki ay nakita ko naman ang taong labis kong kinaiinisan unang una palang.Yung Prince Xen nilang Abnormal.Nakangise ito habang cross-armed akong tinitignan.Imbis na patulan ay umalis ako doon at naglakad patungong class F ng hindi nagpapalit ng damit pero nakapag hilamos at nakapagpunas ako.Bakit pa,wala naman akong dalang extra.Nakalimutan ko din dalhin ang p.e uniform ko.
***
Pagkarating ko sa class F ay napakunot noo ako sa nakita.Puro lalaki ang lahat ng nandito.Idagdag mo na rin ang mga pinaggagawa nila.
May naghahabulan,may nagsusuntukan,may nagwre-wrestling,may kumakain,may nagguguhit sa mukha ng natulog na katabi.May sumasayaw,may kumakanta kahit sintonado,may tumatawa habang hawak ang isang beaker.
Hahakbang na sana ako upang makapasok ng tuluyan ng biglang may bumato sa'kin ng baseball ball.Pero bago ako matamaan sa mukha ay hinagip ko ito ng hindi nakatingin dahil sa gilid ito galing.
"Woah",ani ng nasa loob.Nakatingin na pala ang mga ito sa'kin
Nilingon ko ang bumato ng bola at napalunok ito ng makita akong tinitigan siya.
"Paksh*t ka naman Leonardo!Bakit mo kinuha yang bola!Hindi na natuloy yung experimento ko!para kay Miss Sheena pa naman yun!",biglang singit ng isang lalaki na naka-lab suit at marumi iyon.
"Anong sabi mo?!Ulitin mo nga Davinci?!",galit na tugon ng bumato sa'kin sa lalaking naka-lab suit.Nag tawanan ang lahat sa narinig.
"Letche!Wag mo akong tawaging Davinci,Leonardo!",sigaw ng nakalab suit ulit.
Twins I guess.Base na rin sa mukha.Pero ma d-distinguished mo sila agad dahil sa ugali at pananamit.And Leonardo at Davinci?hahaha nice names.
Pumasok na ako sa loob at hindi pinansin ang dalawang nagsisigawan.Nang libutin ko ng tingin ang silid ay marami akong nakitang bakanteng upuan at napagpasyahan kong umupo malapit sa bintana.
Nang makaupo na ako sa upuan ay napansin ko uli ang tinginan nilang lahat sakin.Masama ang klase ng mga tingin nila sakin na para bang mga leon na handa nang lumapa sa isang walang kalaban laban na hayop sa kanilang harapan.
Their problem?
Umob-ob ako sa mesa at matutulog na sana ng may biglang nagsalita sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Novela JuvenilPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
