XENON'S POV:
"Sabing ayaw ko eh!Bahala ka!Magsumbong ka!Wala akong pakialam!",galit na sigaw ng baliw kong kapatid sa kabilang linya bago ako pinatayan.
"Haist!",inis kong anas at maglalakad na sana upang puntahan ang napakatigas-ulong babaeng yun nang biglang dumating sina Red at Mat.
"Pfft!!Anong mukha yan bro?!Di na ata yan maipinta!",pang-aasar ni Mat.
"Tumahimik ka Mat.Mainit tong ulo ko, baka masapak kita diyan"
"Hahaha.Oo na",tatawa-tawa nitong sagot.
"Dahil kay Ashton na naman ba yan?",tanong ni Red sakin ngunit ang lokong katabi nito ang sumagot.
"Ano ka ba naman bro.Malamang oo!",si Mat sabay akbay kay Red,inalis naman ito agad ni Red.
"Tumahimik ka nga Matian William Roaz.Di ikaw ang tinatanong ko,kaya wag kang sumabad",inis na sabi ni Red kay Mat dahil ayaw nitong inaakbayan,at damn... pfft!Matagal-tagal narin pala mula nang marinig ko ang buong pangalan ng mokong nato.
"What the hell bro?!Kailangan talagang sabihin ang buong pangalan ko?!",galit na sigaw ni Mat kay Red.Kung si Red ayaw inaakbayan,kang Mat naman ay ayaw nitong tinatawag sa totoong pangalan nito.
"You made me do it.",walang kaganang-ganang sagot ni Red.
"You---"
Di na natapos ni Mat ang sasabihin dahil sumabad na ako "Tama na yan.Mas mabuti pang samahan niyo na lang ako",lintaya ko at napalingon naman silang dalawa sa'kin.
"Saan naman bro?",tanong ni Mat.
"Dun sa gate",sagot ko.
"Bakit Xen?Anong meron?",tanong din ni Red.
"Si Xia,sumasama na naman sa dalawang yun lalo na sa 'Notarin' na yun",tiim-baga kong sagot.Iniisip ko pa lang ay nag-iinit na ulo ko.
Tinawagan ko kasi yung kapatid kong yun kanina at napag-alaman kong naroon ito sa gate.Di din naman ako bobo para hindi malaman kung bakit siya nanatili dun.Oo pinayagan ko siyang dumalaw doon sa kaibigan niyang nasa hospital pero hanggang doon lang yun.Ngayong gising na ito ay di na siya dapat sumasama sa kanila lalo na't napag-alaman ng campus na hindi aksidente ang nangyari sa babaeng yun, kundi sinadya talaga ito.Napaimbistigahan na din yung pangyayari ngunit wala man lang nakuha ni isang impormasyon ang mga pulis o mga imbistigador.Napakalinis at napakamaingat ng taong gumawa nun.
Kaya di talaga dapat sumasama si Xia sa kanila.Di ako makakapayag na pati kapatid ko ay mapapahamak nang dahil sa gagong yun.Nasisiguro kong mga taong may galit sa kanya ang gumawa nun at hinigantihan siya ng mga ito gamit ang taong malapit sa kanya, at kasama na ang kapatid ko dun.
"Notarin?",tanong ni Red.
"Dumbass.Ashton the Dumbass",sagot ko at napa-click ito ng dila.
"Right",walang kangite-ngiteng anas ni Red"Another thing,akala ko ba pinayagan mo na ang kapatid mo na makihalubilo sa kanila?",dagdag niya habang kunot-noo.
"Oo,yung naka-confine pa yung kaibigan niya pero ngayong gising na ito ay di na pwede.",tugon ko nito.
"It doesn't make any sense"
"Yes it is.Think bro, if i will let my sister be with them it's like i'm putting her in danger.Nangyari na yun sa babaeng kaibigan nila at hindi imposibleng mangyari yun kay Xia"
"Yeah i also think about that, but my main point is...why doing it now?Bakit di pa nitong nagdaang mga araw mula noong maidala ang kaibigan niya sa hospital?",tanong ni Red at sa hindi malamang kadahilanan ay di ko alam kung ano ang sagot.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
