Chapter 50

6.9K 304 21
                                        

XENON'S POV:

Habang sinusundan ko si Mat ay bigla na lang itong nawala sa paningin ko na siyang nakakainis,tumakbo kasi ito nang sundan niya ang babae.

Palinga linga ako ngayon sa kung saan at naguguluhan ako kung saan ako pupunta,pero agad din akong natigil nang mapansin ko ang dagsa ng mga studyante papunta sa kung saan.Hindi ko naman mapigilang maging kyuriosado kaya ang ginawa ko ay sinundan ko ang mga ito.At sa pagsunod ko sa mga kanila ay natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng building ng class 11-F.At sa pagmamasid ko sa gusali ay 'siya' agad ang unang pumasok sa isip ko.

Damn.. diba dito yung classroom niya?

"Kyaaah!!",tili ng kung sinong mga babae at automatikong naiangat ko ang ulo ko doon sa second floor ng gusali dahil duon nanggagaling ang ingay.

Napagpasyahan kong umakyat na at may nakakasabay pa akong mga ka-year ko at mga junior din na ngayo'y pasimpleng sumusunod sakin habang nagbubulungan sa isa't isa.

*smirk* perks for being handsome.

Nang makatungtong na ako sa ikalawang palapag ng gusali ay nadatnan ko ang kumpulan ng mga studyante sa unahan,pero maya-maya rin ay nagsilinyahan ang mga ito na para bang nakapila para sa gaganapin sa loob ng classroom ng 11-F.Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at agad kong nakuha ang atensiyon nila pero di ko yun lubusang pinansin dahil napuno ang utak ko sa kakaisip kung anong nangyayari sa loob at sa presinsya niya..

Hindi ko mapigilang kabahan ng papalapit ako sa silid at nang marating ko na ang pinto nito ay isang butler at made cafe theme ang bumungad sa akin.Sa totoo lang ay parang totoo talaga itong cafe na matatagpuan sa labas.Ang cool ng pagkagawa nila at napakatalino rin dahil naisip nila ito, and it somehow similar to Xia's way of thinking.

Habang pinagmamasdan ko pa rin ang paligid sa loob ay hindi ko mapigilang mangunot ng noo nang mapansin ko ang pagc-cross dress ng ilan sa mga kaklase 'niya',at mapapansing labag din ito sa kanila dahil sa mukhang ipinapakita ngunit mas ikinatutuwa iyon ng mga babaeng nandidito...

Girls are really weird..

Speaking of 'him',I can't see him.Tinignan ko na isa isa sa umaasekaso sa mga studyanteng nandidito pero di ko mahanap ang mukha niya.Pati na rin yung babaeng sinundan ni Mat.Nasisiguro kong dito yun pumunta base na rin sa kasuotan nito.

"Bro!here!",sigaw ng pamilyar na boses at nang hanapin ko ito ay mukha ni Mat ang bumungad sa akin habang nakataas ang isang kamay at nakaupo sa isa sa mga tables.

Ang daling nakapasok ng loko..

Nag-aalinlangan pa ako nung una kung papasok ba ako o hindi ngunit sa huli rin ay pumasok pa rin ako.May iilan pang napapatingin sa gawi ko nang papalapit ako sa kinaroroonan ni Mat ngunit agad rin iyong natigil nang isa-isa ang mga itong napapatingin sa kung saan ako nanggaling which is ang entrance ng silid.

Humarap ako sa kinatatayuan ko kanina at nang makita ko ang tinitingnan nila ay di ko na kayang matanggal ang tingin ko dun.

Isang napakagandang babae lang naman ang bumungad sa akin kahit nakasalamin ito at maigsi ang buhok habang suot ang kaparehong uniporme ng iilan sa class 11-F,though pamilyar ito sa akin.

"Kuya?",gulat na tanong ni Xia habang nakatayo sa gilid ng babae at suot din ang kaparehong kasuotan ng ilan sa mga class 11-F at ng babae na ngayon ko lang napansin dahil busy ako sa kakatitig sa babae.Kasama rin niya yung kaibigan niyang si Rese at suot rin ang uniporme."Anong ginagawa mo dito?",dagdag ng kapatid ko at nakuha namin ang atensiyon ng lahat.

"May nagsasabi bang hindi ako pwede rito?",sagot ko.

"Hindi sa ga----",

"Don't argue here",biglang salita ng babae sabay pasok dito sa loob na siyang ikinalaki ng mga mata ko.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon