XENON'S POV:
"Hey,wake up!Wake up!"
Sinubukan ko naman humingi ng saklolo nagbabasakaling may tao ngunit tulad ng inaasahan ko ay wala ni isa.Nang tingnan ko naman ang phone ko ay wala ring signal.
Ibinalik ko ang atensiyon kay Ashton.Napagdesisyunan ko namang buhatin siya ngunit bago ko pa man ito magagawa ay tila parang may naramdaman akong mamasa-masa sa kamay ko.Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling kinuha ang flashlight sa likuran ko at pinang-ilaw sa kanya.At sa oras na maging malinaw sa akin ang lahat ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang duguan niyang hitsura.Mas nanginig ang katawan ko.Ngunit agad ko ring kinontrol ang sarili ko bago pa maging huli ang lahat.
Agad kong hinubad ang t-shirt ko at ginamit ito pangtigil sa dugo sa gilid ng noo niya.Buti na lang hindi sobrang laki ng sugat niya kaya hindi kaagad ito nawalan ng maraming dugo.Hindi nagtagal ay sinubukan ko naman siyang buhatin at sa pagtayo ko ay biglang na lang may kumirot sa binti ko na muntikan ko nang ikatumba.Sobrang sakit nito ngunit hindi na importante yun.Ang mahalaga ay makahanap kami ng masisilongan bago pa kami maabutan ng ulan.Sobrang dilim kasi ng kalingitan.
Hindi nagtagal sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may nakita naman akong maliit na kweba.Agad akong pumasok doon.Nang maibaba ko na siya ay sakto rin ang pagbuhos ng ulan.Tinanggal ko naman ang jacket na itinali ko sa bewang ko at itinakip sa kanya.Umupo na rin ako sa isa sa mga bato at tiningnan ang mga galos ko lalo na ang sugat ko sa binti.
Buti na lang hindi sobrang lalim nung bangin kundi hindi lang ito ang matatamo naming dalawa.
"Hiss!",daing ko nang aksidente ko ito masagi.
Tinigilan ko na ito at pinagmasdan na lang ang si Ashton.Kahit kailan ay hindi talaga ako magsasawang pagmasdan ang mukha niya.Ngunit di kalaunan ay bigla ko namang naalala yung nangyari kanina bago kami naaksidente.Inilipat ko ang tingin ko sa labas at pinagmasdan ang pagbuhos ng ulan.
Kung ihahambing ko ito sa nararamdan ko ngayon ay wala itong pinagkaiba.Parusa na ba to sa akin?If yes,it was really well served.I hope nothing worst will come after this.
"Hhng",biglang anas niya na ikina-alerto ko.
"Hey,hey what's wrong?May iba pa bang masakit sayo?",tanong ko.
Unti-unti namang bumukas ang mga mata niya hanggang sa tuluyan siyang magkaroon ng malay.Tutulungan ko na sana siyang makaupo ngunit iniharap niya lang ang kamay niya sa'kin.
"Kaya ko na",aniya at tinulungan nga ang sarili.
"How long have we been here?",tanong niya habang sapo ang noo.
"An hour"
"Hmm...And where's your shirt?"
Tiningnan ko naman ang damit ko sa tabi niya na halos mapuno na ng dugo at gutay-gutay na dahil ginamit ko rin itong pangbenda sa noo niya, sinundan niya naman ang tinitigan ko.
"Wala kasi akong ibang naisip kanina na pangtakip sa sugat mo kundi yan",paliwanag ko.
Tumingin ito uli sa'kin"Then atleast wear your jacket",aniya sabay hagis sa'kin ng jacket ko.
Nasalo ko naman ito.Sinuot ko na lang rin ito.
"W-wait,what are you doing?",automatiko kong tanong nang subukan niyang tumayo "You're not yet fine.Just lie in there"
"I know my body",aniya at tinuloy nga ang pagtayo.
Hays...
"Ano ba ang gagawin mo?If it's about leaving then I'm sorry,I won't let you.Malakas pa ang ulan,maputik din ang daan at sobrang dilim pa ng paligid.Pero kung ayaw mo talaga makita ang mukha ko ay ako na ang tatalik--"
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
