Chapter 64

5.9K 312 28
                                        

XIA'S POV:

"Kyahh!!Andito na siya!"

"Oh my God!Oh my God!Ang gwapo niya talaga!"

"Gosh!I'm dying!"

"Ash!Marry Me!"

"No!Me!"

"Buntisin mo na ako!"

Hindi ko mapigilang mapaangat ng isang kilay sa isinisigaw ng mga babae at binabaeng nakaabang kay Ash dito sa labas ng gate.Lagi ko na itong naririnig sa mga mahaharot na ito pero hindi ko pa rin magawang sanayin ang sarili ko.Wagas naman kasi kung makaharot.Buntisin?Seriously?Ni kila kuya nga ay hindi sila gumaganyan.

"Buntisin mo daw Ash oh.Pfft!",pang-aasar ni Rese at sinamaan siya ng tingin ni Ash.

Sa halip na manahimik ang bruha sa tingin na yun ay tinawanan niya lang ito.

"Tch",inis na anas na lang ni Ash at inilayo ang tingin kay Rese.

"Bruha ka talaga... ",sabi ko kay Rese.

"Hahaha same as you",tatawa-tawa niya pa ring sagot.

"I know rig---",hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang mas magsi-ingayan ang mga studyante habang naglalakad kami,at nahati pa sa dalawa yung kumpulan sa unahan namin.

Tatanungin ko na sana si Rese kung ano ang nangyayari nang biglang iniluwa sa gitna nun ang Campus Queen bee kuno na kaklase nina kuya,at ang mas nakakagulat ay may dala itong cake at obvious kung para kanino yun.

Lumapit ito sa amin o mas sabihing kay Ash.At nang makalapit ito ay ngumite ito ng pagkatamis-tamis na siyang ikinahulog ng mga lalaki noon pa sa kanya.Pagkatapos ay inilapit nito kay Ash ang hawak niyang cake gamit ang magkabilang kamay habang ngumingite pa rin.

Another karibal.. tsk..

"Please accept this.I've baked it myself",anas nito na siyang ikinataas na naman ng isang kilay ko.

Really?

Matagal bago sumagot si Ash.Ngunit kalaunan ay itinaas niya ang kamay niya.Akala ko kukunin niya yung cake ngunit itinulak niya lang ito ng mahina palapit sa babae bilang pagtanggi nito,pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad at nilagpasan lang si Jean.

Nagsinghapan ang mga tao sa ginawa ni Ash.Hindi nito inaasahan na gagawin yun ni Ash,lalo na at sa Campus Queen Bee pa.At si Jean ay tulalang nakatingin sa ibaba at hindi pa rin ito gumagalaw sa kinatatayuan nito.

"Hey!How dare you!",biglang sigaw ni Windel.Ito yung kilalang inlove na inlove kay Jean pero binasted niya lang.Pero kahit ganun ay patuloy pa rin itong nanliligaw sa kanya kahit pinagtatabuyan niya na ito.May hitsura naman yung lalaki.Matangkad ito at moreno.Pero kahit gaano pa ito kagwapo ay hindi pa rin ito bet ni Jean.

"Hoy!Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng tamang asal ha?!Huminto ka pag tinatawag ka!",inis uli nitong sigaw.

Akala ko magpapatuloy si Ash sa paglalakad ngunit bigla siyang huminto at dahan dahang humarap sa kanila.

"Watch your words or i'll mess that mouth of yours",malamig pa sa yelong banta ni Ash at ang kaninang galit na mukha ng lalaki ay napalitan ng takot.Ganun din ang iba.

Matapos niya yung sabihin ay agad niya ding ipinagpatuloy ang paglalakad at sumunod na lang din kami sa kanya.










XENON'S POV:

Serves them right...

"What a rejection!",sambit ni Mat na kasama kong nanood sa pangyayari.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon