Chapter 76

7.5K 376 91
                                        

Nang buksan ko ang locker ko upang kunin yung bagong laba kong swimwear ay panibagong card na naman ang nasa loob nito ngunit nilumukos ko ito agad kahit hindi ko pa nabasa ang nasa loob at isinilid sa bulsa ko.Baka mababadtrip na naman ako kapag babasahin ko pa ito.Alam na namin ni Francis ang inutusan ng taong nasa likod nito ngunit hindi na namin ito pinagkaabalahang kumprontahin,basta't wala lang itong ibang ginawa bukod sa paglalagay ng card sa loob ng locker ko.

Medyo matagal-tagal kaming natapos sa praktis kaya paglabas ko ng natatorium ay sobrang dilim na ng paligid.Habang papunta ako ng parking lot ay tila parang kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Nang hindi ko matiis ay tinawagan ko na si Francis.

"Is everything okay?",tanong ko agad nang sagutin niya ang tawag ko.

"Yes,the two of them are waiting for you again at the parking lot",aniya.

"Okay,keep it up",i said then hung-up my phone

Kahit narinig ko mula iyon sa kaniya ay hindi parin nawawala yung kaba ko na siyang nakakapagtaka.Pero agad ko itong isinantabi at pinuntahan na sina Rese at Xia.Nang marating ko ang kinaroroonan nila ay agad rin kaming umalis.

Habang nagluluto kami ni Rese ng hapunan ay biglang nagring yung phone niya at agad niya naman iyong sinagot.

"Yes,bruha?",rinig kong tanong niya kay Xia sa kabilang linya.

"Ah okay,tatanungin ko",maya-maya'y lintaya ni Rese at hinarap ako.

"Ash,nakita mo ba kung sakali yung kuya niya na si Xenon sa loob ng campus habang papunta ka ng parking lot kanina?",tanong nito.

Tinigil ko naman ang ginagawa ko.

"No",i answer honestly. "Why?",i asked then i continue what i am doing.

"Eh kasi hindi pa daw umuuwi iyong si Xenon sa kanila.May family dinner daw sila ngayon",sagot niya na ikinatigil ko.

Bumalik na naman sa'kin yung kabang naramdaman ko kanina hanggang sa bigla kong nahiwa ang daliri ko ng kutsilyo.

"Gosh,ang daming dugo niyan Ash.Bat hindi ka nag-iingat?",sambit ni Rese.

Hindi ko pinansin ang sinabi nito at hinugasan na lang ang sugat ko.

"Ako na ang bahala dito.Gamutin mo muna yan",aniya at pumasok naman ako sa kwarto ko.

Nang matapos kong gamutin ang sugat ko ay napatunganga ako sa inuupuan ko.Hindi pa rin mawala sa isip ko iyong sinabi ni Rese tungkol kay Abno.Sa kakaisip ko ay bigla na lang sumagi sa isip ko yung papel na nilukumos ko kaya kinuha ko iyong school pants ko at kinuha sa bulsa iyong card

Nang buksan ko iyong gusot na gusot na card ay laking gulat ko nang mabasa ang laman nito.

I will get one of those pest around you

Nakasulat nito.Agad kong kinuha yung phone ko at kinontak si Francis.

"Check the CCTV footage on the way to Wildford's residence.Something happened",utos ko sa kanya sa oras sagutin niya ang tawag ko.

"Roger",he said.

Maya-maya ay bigla uli siyang nagsalita.

"7:00,hinarangan ang isang kotse ng isang SUV at pilit na pinalabas ng mga taong naka-balaclava hood ang nasa loob ng kotse hanggang sa bigla siyang kunin ng mga to",bigay paalam niya.

Napamura naman ako sa narinig.

"Sorry,hindi ko ito agad napansin",saad nito.

"It's okay,alam nating dalawa na hindi ito ang inaasahan nating magyari.Just tell me the location where they went"

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon