Chapter 63

8.2K 349 144
                                    

Still RESE'S POV:

"Hindi ba bababa yung kapatid mo Xi?",tanong ko kay Xia nang makalapit na siya sa'kin pagkatapos niyang bumaba sa kotse nila ng kapatid niya.

"Ewan ko sa kanya",sagot niya

Nagpunta kasi kami agad dito sa coffee shop matapos yung nangyari kaninang umaga.Hindi na kasi pinatagal ni Ash ang pagtuturo niya sa mga kaklase niya since may trabaho pa kami.Tsaka matagal-tagal na rin mula nang makabalik kami dito dahil sa interhigh at sa mga araw na yun ay nanghingi na rin naman kami ng permiso kay Ma'am Claire kaya walang problema kung ngayon lang kami makabalik.

"Ralph?",biglang anas ni Xia habang hinihintay namin si Ash na nagpaparking ng motor niya.

Sinundan ko ang tinitingnan niya at nakita ko nga si Ralph habang nagsasara ng shop,ngunit natigil ito nang marinig ang sinabi ni Xia.

"Uy, kayo pala",sambit nito.

"Ba't sinasara mo na yung shop?",agad tanong ni Xi.

"Ah ito ba?Hindi ata nasabi ni Ma'am Claire sa inyo",aniya sa malungkot na tono.

"Na ano?",tanong ko.

"Na magsasara na ng tuluyan itong shop",aniya at napatakip kami ng bibig ni Xia dahil sa gulat.

"B-bakit?",uutal na tanong ni Xi.Hindi rin ito makapaniwala sa narinig.

"Sumunod kayo",anyaya niya sa'min pumasok sa loob ng shop.

"Sa katunayan ay maraming isyu ang nangyari bago naitayo tong shop",panimula niya nang makaupo na kaming lahat kasama na si Ash."Ang mga magulang kasi ni Ma'am Claire ay tutol sa pagpapatayo nitong Coffee shop,at ang dahilan ay siya ang tagapagmana ng kompanya nila.Hindi man halata ay galing sa mayamang pamilya si Ma'am Claire.Siya yung kaisa-isa nilang anak kaya tutol na tutol talaga yung mga magulang niya.Sa isip kasi nila ay sabagal lang itong coffee shop sa maging gampanin ni Ma'am Claire,pero nagmatigas si Ma'am Claire kaya naitayo tong shop.Pangarap niya na kasi noon pa ang makapagpatayo ng coffee shop.At napatunayan ko yun nang makita ko kung gaano siya kasaya nang maitayo itong gusali....Pero ang lahat ay hindi palaging umaayon sa kanyang gusto.Di nagtagal ay unti-unting nawawalan ng gana si Ma'am Claire dahil pursigido pa rin ang mga magulang niya na alisin itong shop sa buhay niya.Lagi nila itong pinag-aawayan, at sa pagkalugmok niya ay nakisabay din ang shop.Unti-unting lumiliit ang bilang ng customer na pumupunta dito.Dumami lang yun uli nang dumating kayo.Kaya nagpapasalamat talaga ako sa inyo"

"Walang problema yun ano",sagot ko at naramdaman kong nanubig yung mata ko.

"Oo nga",sagot ni Xia sabay pahid ng luha.Umiyak na kasi ito."Hay naku.. naiiyak na tuloy ako",ngiteng dagdag ni Xia habang pinapahid pa rin ang luha.

"Pero,Ralph.Kung gayong dumami na uli yung customer ay bakit ipinasasara pa itong shop?",tanong ko.

"Sumuko na kasi si Ma'am Claire.Kahit anong gagawin niya ay hindi pa rin kasi tumitigil ang mga magulang niya.Umabot pa sa pagbabanta ang lahat at yun ay itatakwil siya ng mga ito kapag nagmamatigas pa siya.Yung araw na nadatnan niyong sarado ang shop ay yun din ang araw na yun",sagot niya.

"Pero pagkatapos nun ay patuloy pa rin naman niyang binubuksan ang shop ah",pagtataka ni Xia.

"Oo,dahil nagmamatigas pa rin siya.Pero noong araw na magpaalam kayo na hindi muna kayo papasok sa trabaho dahil sa event na nangyari sa paaralan niyo ay yun din ang araw na sinimulang tanggalin ng mga magulang niya ang koneksiyon nila sa kanya.Hanggang sa i-freeze nila ang bank accounts at credit card ni Ma'am Claire",sagot niya.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon