ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
Maaga akong nagising kinaumagahan upang pumunta ng boarding house at kukuha ng kunting damit doon.Tinotoo ko ang sinabi ko noon kila Rese at Xia na lalayo ako kahit sasawayin o susundin pa man nila ang yung sinabi ko,ngunit pansamantala lang,at para maisakatuparan yun ay hiniram ko muna ang condo ni Jaybie mula kagabi tutal wala pa siya dito.
"Ash!",masayang sigaw ni Rese sabay yakap nang marating ko ang boarding house. "Ba't di ka umuwi kagabi?Saan ka natulog?",tanong niya na ngayong nakahiwalay na sa'kin.
"Save your questions Rese,i will answer it if it's the right time.For now, let me do my thing without you butting in",malumanay kong sagot sa kanya at nagsimulang ihakbang ang aking mga paa papasok sa loob upang pumuntang kwarto ko.
Nang makuha ko na ang mga kailangan ko ay lumabas din agad ako.Nagpapasalamat naman ako at sinunod niya ang sinabi ko.Payapa akong nakaalis sa boarding house.Inihatid ko muna ang mga dala ko sa condo bago nagsimulang pumasok ng school.
Bababa pa lang sana ako ng bigbike ko nang biglang dumating ang bubwit na hindi ko inaasahang makita ngayon dito sa harapan ko.Nanliliit ng mata itong tumingin sa akin.
"Bakit hindi ka sumipot sa practice kahapon kuya?",tila nangingilatis niyang tanong.
Oh yeah, hindi pala ako naka-attend ng practice sa swimming kahapon which is wrong because it's been a week since my last practice due to Rese's condition.Also,as far as i know, those five day's of my absence were the start of our club and other clubs' hectic day because interhigh is near.
"I'm tired yesterday kid",i answer honestly.
Totoong pagod ako kahapon.Mula kasi noong umalis si 'Abno' kahapon sa kusina ng cafeteria dahil sa sugat niya ay ako ang gumawa ng naiwang gawain niya,idagdag pa ang sarili kong gawain.Isa pa,magdamag ko ring kinontact si Jaybie kahapon para mahiram ko ang condo niya.Kaya sobrang pagod talaga ng katawan ko.Nakatulog nga ako ng buong maghapon nun kahit may leksiyon.
"Bakit?Napakabigat ba talaga nung punishment ni lolo sa inyo ni kuya Xenon?",tanong niya muli.
"Hindi" tipid kong sagot at bumaba na ng bike.
"Eh kung ganun naman pala, bakit ka napagod?May ginawa na naman bang masama si Kuya Xenon sayo?Sinapak ka na naman ba niya?",inis niyang tanong sa huli kahit naglalakad na kami.
Naalala ko,sa tuwing binubulas ako ang ng pinsan niyang abnormal ay timing na wala siya sa eksena na ipinagpapasalamat ko dahil hindi na mas nadagdagan pa ang iisipin ko.Ngunit lahat ay may hangganan.Tulad ngayon,napakalaking issue yung nangyaring sapakan namin ni 'Abno' dahil kung hindi,di sana ito aabot hanggang sa bubwit nito.Isa pa, nasali yung gurong Panot na yun kaya hindi na nakapagtataka ang paglipad ng balita.Mukhang dapat ko nang aasahan mula ngayon ang pangungulit nitong bubwit na ito sa akin.
"Wala.I hate explaining kid, so you better be quiet",i reply.
"No,I won't..unless you tell me",pagmamatigas niya.
"Tsk",click ko ng dila ko at di siya pinansin.
"Kuya sabihin mo na lang kasi",pagsasalita pa niya habang sumusunod pa rin sa'kin.
"Angel ko!",sigaw ni Sky nang makita akong paparating.Nakagawian nitong salubungin ako dito sa hallway tuwing umaga."Sino to?",tanong niya habang nakaturo kay Keith.
"Ask him",tipid kong sagot at ipinagpatuloy ang pagpunta ng classroom.
"Hoy, sino ka?Kaano-ano mo ang Angel ko?",rinig kong tanong ni Sky kay Keith nang lagpasan ko na siya.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
