ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
Now it's the day....to show what i've got to the jerk coach.
Sabay kaming pamunta ni Dex sa pool at nang marating namin ang pool stand ay agad kaming tumuntong dito.Susuotin ko na sana ang googles ng biglang nagsalita si coach.
"Sabihin mo lang na hindi mo kayang lumangoy Baby Yu.Ititigil ko tong karera,pero... aalis ka din ng club.",aniya at ngumise ng mapang-asar.At dahil mapagpigil akong tao hindi ko siya pinansin at pinatuloy ang pagsuot ng googles.
"Snob huh",rinig kong bulong nito.
"Okay,here's the rul---",i cut him off.
"I already know the f*cking rule.Let's just finish this off",ani ko sabay posisyon ng katawan.
"Goodluck oppa!Galingan mo!!",rinig kong cheer ni kim sa'kin.Pero di ko na pinansin.
"Init ng ulo ah..okay.Let's start this race.Dex,ready?",tumango lang si Dex kay coach.
Kinuha niya ang pitong nakasabit sa kanyang leeg at nilagay sa bibig.
Prrrttt!!
Tunog ng pito at agad akong tumalon sa tubig gayun din si Dex.
Nuunahan ako ni Dex kaya mas binilisan ko pa ang paglangoy at tagumpay naman dahil ako na ang nangunguna saming dalawa.Nang marating ko ang kabilang side ng pool ay agad din akong bumalik kaya iwan na iwan na siya.
Panalo.
Nang umahon ako sa tubig ay nakita ko si coach nakanganga habang may hawak na stopwatch.
Wait.Stop watch?akala ko karera lang to upang matanggap ako bilang miyembro ng club.Bakit nirecord pati ang oras ng langoy namin ni Dex?
"What was that?!",biglang sigaw ni Kim tulala din ito kanina.
"1 minute and 30 seconds",wala sa sariling sabi ni coach habang nakatitig sa kanyang stopwatch tapos tumingin ito sa'kin.
"Ano?!",gulat ding sabi ni Dex at lumapit ito kay coach at tinignan ang stopwatch."Halimaw ka idol!",manghang sabi ni Dex sa'kin matapos matignan ang nakarecord dun sa stopwatch.
"Sino ka ba talaga?,napayukom ako ng kamay sa tanong nayun ni coach pero hindi ko pinapahalata.Sa halip sagutin ang tanong niya ay lumakad ako at nilagpasan siya.
Plano kong umalis na dahil tapos na sadya ko dito.
Pero bago ako makalabas sa pintuan ng natatorium(pool building),tumigil ako.
"We have a deal coach.Hope you remember",nakatalikod kong sabi at pinagpatuloy ang pag-alis.
Nagpalit agad ako ng damit pagkarating sa storage room.Tapos lumabas ng campus.Gumagabi na rin.
Nang marating ko ang parking lot ay nakita ko si Rese malapit sa big bike ko.May kasama din siyang babae.Ito yung babae sa storage room at ang nagsundo sa'kin papuntang office ng dean.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?",tanong ko agad kay Rese nang makalapit.Gulat silang napalingon sa'kin.Busy kasi sila sa pag-uusap at hindi namalayang paparating ako.
"Ah...ano..hinihintay kasi kita.Sasabay na sana ako sayo.Nga pala bago kong kaibigan,si Xia",tiningnan ko naman ang tinutukoy niya.
"Sasabay din siya?",turo ko sa babae.
Nagreact naman agad ito"No,m-may s-sundo ako.",uutal-utal nitong sabi at hindi makatingin sa'kin.
Why is she stuttering?
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Novela JuvenilPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
