Chapter 52

6.5K 288 11
                                    

RESE'S POV:

"Wahhh congrats Ash!Ang galing niyo kanina",puri ni Xia nang makalapit na kami sa kanya.

Kakatapos lang nang karera nila sa umagang ito at silang lahat ng ka team niya ay makakaabot sa susunod na karera mamayang hapon.Akala ko nga may hindi makaabot sa kanila dahil base sa narinig ko ay ito ang kauna unahang sumali ang club nila ng competition.

"That really surprised me",biglang anas ng kung sino at napalingon kaming lahat sa taong yun.Kung hindi ako nagkakamali isa ito sa player ng NBHS na nanuod lang din kanina.

Nang tingnan ko si Ash at ang ka team mates niyang malapit lang sa amin ay tila may namumuong tension sa pagitan nila at ng lalaking kaharap namin ngayon.Mukhang walang magandang maidudulot ang lalaking to.

"Hey,what's with your glares?Wala pa akong ginagawa ah.Haha",dugtong nito at tumawa ng mapang-asar.

"Anong bang kailangan mo?",hindi na napigilang tanong ng kaisa-isang babae sa pagkakaalam ng lahat ng WFA swimming team.Kung hindi ako nagkakamali eh Kim ang pangalan nito.

"Chill,babe.I'm not here to have a fight with you...",mahinahon nitong sagot ngunit may idinugtong pa ito na siyang ikinataas ng kilay ko "Cause all of you aren't worthy enough to spend my precious time with",dugtong nito.

"Moron...",biglang sambit ni Ash at napatingin naman kami sa kanya.

"W-what?",di makapaniwalang tanong ng lalaki."Wha----",di na natapos ang idudugtong sana nito nang magsalita uli ai Ash.

"I said moron, and that's you...you're already spending your shitty precious time to us long ago for example,right now.",walang kagana-ganang sambit ni Ash.

"Y-you!... You!.",igting na pangang anas ng lalaki dahil sa pagkapahiya."Just wait till tomorrow you a**hole!",galit nitong sambit sabay walk-out.

"Sino yun?",kunot-noong tanong ni Xia.

"Some jerk I regrettably encountered with",si Kim ang sumagot.

"Talaga?Papaano?",excited na tanong ng bruha.

Here we go again....kahit kailan talaga tong babaeng to..

"Uhmm,ano---"

"Hindi mo na kailangan sabihin pa",sabad ko na at tinignan ko ng may pandidilat ng mata si Xia at nakuha naman agad nito ang ipinahihiwatig ko.

"Ah oo!hehe",Xia.

"Okay..",ngiteng sagot ni Kim.

"By the way.Anong oras ang susunod niyong karera?",pang-iiba ko ng usapan.

"Uhm...mamayang 1 pm pa",sagot nito.

"Ganun ba so may dalawang oras pa kayong natitira.Gusto mo sumama sa amin?",yaya ko.

"Saan?",may pagtataka nitong tanong.

"Oh girl.... saan pa edi sa labas.Maglibang tayo!",excited na sambit ni Xia.

"Yeah,babalik lang din agad tayo dito at exactly 1 pm",ako.

"I don't know....but wait.Tatanungin ko muna si Coach",anito sabay alis.

Habang naghihintay ay pinuntahan muna namin si Ash na umuupo sa isa sa mga bleachers habang pinapatuyo ang buhok.Umalis kasi ito sa tabi namin matapos mag-walk-out yung lalaki kanina.Habang papalapit kami sa kanya ay hindi ko maiwasang mapansin ang mga tingin ng karamihan na nandito lalo na ang mga babae kay Ash.May kinikilig pa at worst eh may napapatili ngunit mahina lang.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon