RESE'S POV:
"Merry Christmas!",sigawan namin.
At dumating na nga ang araw.
"Ate Sel,pwede kaba naming makausap?",lapit ng isang grupo sa akin.
Malaki kasi ang handaan namin ngayon kaya inimbitahan namin ang iba pa naming kamag anak.Naparito rin iyong iba nilang kapit-bahay.At itong mga lumapit sa akin ay iilan sa kakilala kong kapit-bahay nila at kamag-anak kamag anak namin.Magkakakilala na rin kasi sila dahil hindi ito ang unang beses na may handaan sa bahay ni tita.
"Oo naman.Ano ba yun?",tanong ko.
Nagkatinginan ang muna sila bago nagsalita.
"Ipakilala mo naman kami sa kaibigan mo!",sabay nilang sabi sa nasasabik na tono.
Ang dali talagang kumalat ng balita.
"Ha?Ah eh.. okay?",may pag-aalinlangan kong sagot.
Alam ko kasing hindi ito magugustuhan ni Ash.Pero kung hindi naman ako papayag baka iba naman ang iisipin ng mga to.
"Yiee!Thank you ate!Tara!",excited ng isa sa kanila.
Napabuntong-hininga na lang ako nang hilahin nila ako palapit kay Ash.Nang tuluyan kaming makalapit sa kanya ay agad na kumunot ang noo niya.Ngunit kahit ganun ay ipinapakilala ko pa rin sila sa kanya.Matapos ko silang maipakilala ay hindi na nga nila nilubayan si Ash.Samut saring mga tanong ang natanggap ni Ash mula sa kanila.At ilan sa mga tanong na yun ay sinagot niya naman kahit parang labag sa kalooban niya ito.Mahahalata kasi sa mukha niya.Hindi na siya nilubayan ng mga to at mahahalata na sa mukha niya ang pagkabadtrip.
Bago pa man mainis itong si Ash ay sumingit na ako.Ngunit hindi ko pa man natapos ang sasabihin ko nang may kung anong kumalabog malapit sa kusina na muntikan na naming ikinatalon.Ngunit sa kabila ng nangyari ay hindi naman ako nag-aksaya ng oras at agad na hinila si Ash sa kung saan.Hindi naman nila kami napansin dahil abala ang mga to sa pakikiusisa sa nangyari na siyang hindi kalakihan.Kung hindi ako nagkakamali ay gamit lang na nahulog ang dahilan nung tunog.
"Buti naman at naisip mo pa ako hmm?",sambit ni Ash nang tuluyan kaming makalabas.Mahihimigan ang inis sa salita niya.
May nakaplastadang tent din kasi rito at may mga upuan rin.
"Hahaha.Nagtatampo ka ba?",biro ko sa kanya.
"At may gana ka pa talagang mag-biro"
"Hahaha.Okay,okay...sorry na.Akala ko kasi titigilan ka rin agad ng mga yun"
"Tch"
Hindi na ako nagsalita at sinamahan na lang siya sa panonood sa mga bisita ni Tita na kanya-kanya sa ginagawa.Sa kalagitnaan ng ginagawa namin ay bigla kaming napaharap sa kung saang banda nang may magsalita gamit ang isang microphone.Isa ito sa kamag anak ko na bakla na si Ate Kristina pero Christian talaga ang pangalan nito,mukhang kararating lang nito.
"Eyes here everyone!",ulit niya.
Nang nasa kanya na ang atensiyon ng lahat ay inilahad niya naman ang kanyang sadya at yun ay may gagawin daw kaming games para dagdag kasiyahan sa okasyon.Natuwa naman ang karamihan kaya agad nila itong sinimulan.Para sa mga bata muna ang inuna nila tuwang-tuwa naman kami dahil sa ka-cute tan ng mga ito.Lalo na yung mga pinsan ko.
"Yey!Nag-enjoy ba kayo kids?!",sambit ni Ate Kristina matapos ang pangatlong games.
"Opo!!",sagot naman ng mga bata.
"Mabuti.Osige pumunta na kayo kay Ate/Tita Melody niyo para kunin yung prizes"
Nagsilapitan naman ang mga to kay Tita.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Roman pour AdolescentsPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
