Chapter 19

8.3K 356 32
                                        

ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:

Pagkarating ko ng ecoclub ay siya ring pagdating ng Abno.Agad niya akong sinamaan ng tingin nang makita ako.

"H-hi kayo b-a yung sinabi ng d-dean na t-tutulong samin?",uutal-utal na tanong ng babaeng sumalubong samin sa entrance ng WFA garden na kung saan nandodoon ang lahat ng ecoclub members na nagtatanim.

"Yes",si 'Abno' ang sumagot.

"S-sumunod k-kayo sa'kin",sumunod naman kami sa babae at agad kaming pinagtitinginan ng lahat ng kamiyembro.

May instructions munang binigay ang babae samin bago kami nagsimulang magbungkal ng lupa para tamnan ng seedlings.Nang tingnan ko si Abno ay nagmumura ito habang nagbubungkal ng lupa.Hindi din tama ang pag hawak niya sa asarol.Halatang hindi kailanman nakakaranas ng paghahalaman.

Habang busy ako sa pangbubungkal ay biglang sumigaw at tumili ang mga babae ng ecoclub na kanina pang nakatingin samin.

Sinundan ko ang mga tingin nila at nakita kong si 'Abno' ito na nakatopless habang nagpapahid ng pawis.Nakita niya akong tumingin sa kanya kaya nagtitigan kami pero di kalaunan ay bigla siyang nagsmirk.Tingin lang ang tinugon ko sa ginawa niya bago nagsimulang magbungkal uli.Pinagpapawisan na din ako.

Patapos na ako sa pagbubungkal ng lupa nang bigla nalang may lupang lumanding sa ulo pati mukha ko.Natigil ako sa aking ginagawa at hinarap ang Abno na ngayong nakangise.Imbis na sapakin siya ay kiniskis ko lang ang ulo ko gamit ang kamay ko upang matanggal yung mga lupa,kaya ang kinalabasan ay naging messy ang buhok ko.Naramdaman ko ring napatitig at tulala si 'Abno' sa'kin.

Hindi ko talaga maiintindihan ang lalaking to...

Umalis ako doon matapos kong alisin ang lupa sa ulo at mukha ko upang kumuha ng mga punla.Agad din akong bumalik pagkatapos kong kunin ang sadya ko.

Itinanim ko na ang unang punla.Isusunod ko na sana ang pangalawa ng bigla nalang may tumapak sa itinanim ko!

"Oh.I didn't saw that.",sarkastikong sabi ng abnormal!

Umalis na siya habang suot ang mapang-asar na ngise.

Mga ilang oras din kaming nandidito sa WFA garden dahil nililinis pa namin ang mini forest na katabi lang din ng garden.Maraming tuyong sanga at dahon ang nandidito kaya mas lalo pa kaming natatagalan.

"S-salamat t-talaga sa pagtulong niyo.Maaga kaming natapos dahil sa inyo.Salamat talaga.",papasalamat ng presidente ng club pagkatapos namin sa ginagawa.

"Tch.You should be",hambog na sagot ni 'Abno' at umalis.Sa totoo lang ay wala itong halos naitulong.Hindi ito marunong magtanim.

Tanging tango ang ibinigay ko sa presidente ng club bago din umalis.

Dumerecho ako sa building ng mga grade 7.Apat ang grade 7 building dito kaya mukhang nasa kabilang building si 'abno' naglilinis ngayon dahil walang nagkakagulo at nagsisitiling studyante dito.

Pagkapasok ko ng building ay napansin ko pagtitinginan ng mga bubuwit sa'kin..May nagsisitili din.Recess time kasi ngayon kaya nagkalat sila sa hallway at sa may hagdanan.

Bago ako magsimulang maglinis sa comfortroom area ay nanghiram muna ako ng mop at timba sa isa sa mga janitor ng school.May katandaan narin yung janitor na hiniraman ko kaya awang awa ako rito ng maabutan ko siyang nagmo-mop ng hallway.

***

Habang papalapit ako ng comfort room area ay may nakita akong nagkukumpulang mga studyante sa pinto ng men's cr.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon