RESELLE'S/RESE'S POV:
"Congrats sa inyo!",bati ko sa team mates ni Ash matapos ang karera nila.
"Salamat",Kim
"Thanks",Dex
Nang lingonin ko si Ash ay tinanguan lang ako nito.
"Where is ate Xi?",biglang tanong ng kung sino galing sa likod ko at nang harapin ko ito ay napag-alaman kong si Keith ito.
Oh right... si Xia.. pupuntahan ko pa pala yun..
"Aww... so totoo talaga ang sinabi niya kahapon.Wag kang mag-alala may inutos lang ang lolo niyo",biro ko dito at di naman maipinta ang mukha nito sa inis.
"You really are the same",badtrip nitong anas at nag-walk-out.
Hahahaha cutie
"By the way Ash..pupuntahan pala natin si Xia.Nasisiguro kong gutom at pagod yun",sabi ko sa kanya.
"Okay,magbibihis lang ako",aniya at umalis.
Hindi naman nagtagal ay agad din siyang bumalik.
"Let's go",aniya at naglakad na nga kami.
***
"Woah!",gulat kong anas nang datnan ko si Xia dito sa backstage na busy sa ginagawa.
So totoo nga talaga na siya ang magha-handle ng Mr. and Ms. interhigh ngayon kasama na ang ibang miyembro ng student council.Well,hindi na ako magtataka since bakante pa yung posisyon sa student council vice president ngayon na siyang dapat mamahala sa gaya nito,atsaka si Xia lang ang tanging mapagkatiwalaan ng dean sa bagay na to maliban kay ex-vice president na si Samuel.
"Oh Xia nandito ka na pala.Kamusta yung laban ni Ash?",tanong ni Xia nang mapansin na ako.
"As usual,pasok parin siya para sa susunod na karera",sagot ko sabay lapit sa kaniya.
"As expected from Ash.Asan siya ngayon?",tanong niya uli.
Oh right...hindi ko pala siya kasamang pumunta dito dahil pinabili ko muna ng pagkain para kay Xia.
"Bumili ng pagkain mo.Sinabi ko kasi na baka hindi ka pa kumakain kaya ayun",sagot ko.
"Aw..really?How sweet of her",aniya at tila nag-daydream pa.
"Wag kang assuming,inutos ko sa kanya yun",basag ko at natigil naman siya sa ginagawa at badtrip na napatingin sa'kin.
"Alam mo?Ang sama mo",aniya at umaaktong iiyak.
pfft!
"Hoy,Sinabi ko lang ang totoo.Tsaka bakit ako naging masama eh ako nga yung nag-utos sa kanya na bilhan ka nang makakain dahil concern ako sayo"
"Hmp!Kahit na",parang batang sambit nito.
"Hays...anyway,kailangan mo ng tulong dito?"
"Nah...maayos na ang lahat.All we need to do is to wait for the talent portion to end so we can assist again the remaining candidates",sagot niya.
"Talaga?Eh ano yung taong yun na nagmamadaling naglakad palapit sa atin?",tanong ko sabay turo sa tinutukoy kong tao.
"Ate Xia,may problema!",kinakabahang sambit ng babae nang makalapit ito sa amin.
"Huh?Ano yun?Okay na naman ang lahat",kunot-noong hayag ni Xia.
"Eh ate,yung kakanta kasi sana jan sa gitna ay hindi na bumalik matapos itong magpaalam sa amin na mag-ccr",sagot ng babae.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
