ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
"Angel ko!Good news!",bungad ni Sky sa'kin kahit di pa ako nakapasok sa loob ng classroom.
"Pasado tayong lahat sa exam!",masaya niyang dagdag.
Hindi na ako nagulat kasi inaasahan ko na iyon.Hindi naman kasi sila mahirap turuan.Kaya walang kaalam-alam ang mga to sa discussion noon dahil sa katamaran.
"Teka,hindi ka man lang matutuwa at masorpresa?",tanong niya at weird akong tiningnan.
"Do i have to?",i asked.
"Unbelievable",hindi makapaniwala niyang sabi."Anyway,sigurado ako matutuwa ka sa isa pang good news nato.Kasi... ikaw yung highest sa buong year level!You've got full mark.Imagine?!",hyper niyang sigaw.
"Tsk",click ko na lang ng dila ko at iniwanan siya doon.Pumasok na ako sa loob.
"Pareng Ash!Hulog ka talaga ng langit!Nakapasa kami!",bungad naman ng lokong Leonardo sa'kin pagpasok ko, at nakisali rin ang iba.Pinalilibutan na naman nila ako.
"Oo nga Ash!Biruin mo?Nakapasa kami kahit hindi kami nakikinig sa discussion?",Vin.
"Isa pa,balita ko nga nalamangan daw ng iba sa atin yung sa Class A.Ang galing mo talagang magtutor Ashton",Lex.
"Tama,at dahil diyan!Ililibre ka namin!",anas ni Harold at nagsiingayan naman ang mga kumag.
"Maganda yun!Mabuti at gumana na sa wakas yang utak mo Harold!",Vincent.
"Bwahahaha!",halakhak ng lahat.
Poker-faced lang ang tanging nagawa ni Harold sa pangyayari.
"Go back to your seats",biglang dating ni Miss Sheena at napalingon kaming lahat sa kanya.
"Seriously Sheena?Wag mo sabihing magdidiscuss ka",reklamo ni Ched.
"No,but if you won't go back to your proper seats.Then i will make your wish come true",pananakot nito.
"Okay,lang.Hindi rin naman kami nakikinig sa iyo mula pa noon",sagot ni Vincent.
"Boom!Whoooo!",lokong anas ni Leonardo at umingay naman ang lahat.
"Shhh!Quiet!",puna ng guro pero di pa rin tumigil ang mga ungas.
"Quiet i say!",ulit ng guro at sa wakas ay nakinig na ang mga ito.
"To inform you.Wala akong pakielam kung nakikinig kayo sa akin o hindi.Second,i'm just here to congratulate all of you for the job well done.I didn't expect all this.I even have doubts. I didn't expect from all of you that you will take this seriously,but i'm mistaken.I'm so proud of you guys",madamdaming saad ni Miss Sheena sa huli.
"Maiiyak na ba kami niyan babae?",masungit na tanong ni Vincent.
"Whatever Mr.Cojo",sagot ng guro sabay ikot ng mata "Isa rin nga pala,walang discussion o kung ano pa man ang lahat ng teachers sa inyo ngayon.We decided to give this day for you to rest.Pero hindi kayo pwedeng lumabas ng school premises at dapat on time pa rin kayong pumasok sa klase kahit walang discussion na gaganapin.That's all i have to say.Goodbye",sambit nito at tumalikod sabay alis.
"Pinapahinga pa tayo, hindi rin naman pwedeng lumabas kahit kailan at kahit saan.Walang kwenta",inis na lintaya ni Sky sa gilid ko.
Ginawa nga namin yung sinabi ni Miss Sheena.Walang lumabas ni isa sa amin kaso mas nagsiingayan at nagsikulitan ang mga to at dahil ayaw ko ng ingay ay nag-earphones na lang ako at nakinig ng kanta.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Novela JuvenilPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
