Chapter 10

8.7K 401 35
                                    

"Hindi,pero medyo nagiging involve na rin,kasi kung pupunta kami ngayon o sa mga susunod na mga araw ng cafeteria siguradong makakasagupaan namin ang grupo nila at panibagong kaguluhan na naman ang mangyayari.At dahil sa kaguluhan na nangyari ay madadagdagan na naman yung punishment namin"

It does make sense...

"Hmm....how about sa sinabi mo kanina na hindi kayo natuloy sa cafeteria?May plano parin pala kayong pumunta doon?"

"Oo,dahil wala naman kaming dalang lunch ngayon,at magagawa lang naming pumunta doon kung aalis na yung grupo nila doon,kaso naghintay pa ang mga to tumunog ang bell bago magsialisan,kaya wala kaming pagpipilian kundi manatili dito"

"At paano niyo nalaman yun?"

"May inutusan kaming magmasid sa kanila sa labas na siyang kaklase lang rin natin"

I see...

So hindi naman pala sila gaya ng iniisip ng karamihan.Kung ikukumpara sa grupo ni taba ay mas matitino pa itong mga to.Sa nakikita ko nga eh..pinapahalagahan nila ang isa't isa.At pinapakita nila ito sa simpleng paraan na komportable sila.Tulad ng pagsusuntukan,pagbabangayan at iba pa.

"Gutom na talaga ako",biglang sabi nitong Sky habang hawak ang tiyan.

Hindi ko na sana papansinin ng biglang tumunog ang tiyan nito sa gutom.

Growl~

Naalala ko, may dalawang burger pala akong dala dito sa bag.

Nilabas ko sa bag ko ang burgers.

"Oh",sabi ko sabay lapit ng dalawang burger sa kanya.Pero tinitigan lang ako nito.

"Ano,kukunin mo ba o hindi?",sabi ko pero bigla ako nitong niyakap sa bewang na animoy parang isang batang yumayakap sa kanyang magulang.

"Angel ko!!!Ba't ang bait-bait mo?!",sigaw nito habang yakap ako.

Binatukan ko naman.

"Ow!",aniya at napabitaw sa'kin.

"Don't hug me or else i will give this to the others",pananakot ko sa kanya.

"Thank you sa burgers Angel ko!",sigaw nito at biglang kinuha sa'kin ang burgers,at sa ginawa niyang pagsigaw ay biglang napatingin ang lahat sa amin.Nang tignan ko silang lahat ay nakatingin ito sa burgers na binigay ko kay sky.Napapalunok pa ang iba kakatitig sa pagkain.

"Sky,penge",hingi ni Leonardo at sinundan naman ito ng iba.

Sh*t!ang ingay.

"Ang ingay",sambit ko na medyo malakas.

Biglang natahimik ang lahat.

"Oh!Ba't antahimik niyo",basag ng kung sino sa katahimikan.Nang lingunin ko ito ay isa itong guro.

Nagsimula itong magdiscuss at tahimik pa rin ang lahat.Pero di nagtagal ay bumalik sila sa dati.

Pagdidiscuss lang ang ginawa namin buong maghapon at ito namang mga kaklase ko ay hindi man lang nakinig dahil busy ito sa kanilang ginagawa.Para bang walang guro sa kanilang harapan.

Nang matapos ang klase ay pumunta agad ako sa public pool ng paaralan upang magpraktis magswimming.Dalawa kasi ang swimming pool dito.Ang isa ay sa swimming club at ang isa ay para sa activities ng paaralan.At ang gagamitin ko ngayon ay yung para sa activities.

Nang makarating ako doon ay agad akong nagpalit ng damit pang swimming at pagkatapos at tumungo sa stand na kung saan tinuntungan ng mga swimmers bago magdive.Umupo ako dito at ipinikit ang mga mata.Inaalala ko lahat ang binabasa at pinanood ko kagabi about swimming.Nang maalala ko lahat ay binuksan ko naman agad ang mata ko,pagkatapos ay tumayo at tumalon sa tubig.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon