XIA'S POV:
"Okay,I give up!",biglang sabi ni Ash sabay tayo at aalis na sana ngunit agad naming pinigilan ni Rese
Nandito kasi kami sa cafeteria at lahat ng mata ng nandidito ay nasa kanya at pinanood ang bawat galaw niya.Well,she's famous now,lalo na sa mga babae. Kung pwede lang mag heart-shaped ang mga mata nila katulad ng napapanood ko sa tv kanina pa yun nangyayari.
"Ngayon ka pa maiilang,eh palagi mo namang nararanasan ang tulad nito noon pa?",si Rese.
"Yeah,but not like this.Sinusundan nila ang bawat galaw ko and that's one of a hell creepy",sagot ni Ash.
"Oo nga no?Pero dapat masanay ka na mula ngayon dahil araw-araw na yang mangyayari sayo"
"Shit,don't joke like that Rese.That isn't funny",inis na sagot ni Ash.
Sumali na ako"Hindi siya nagbibiro Ash.Totoong yun ang mangyayari sayo.Tingnan mo ba naman silang lahat.Parang susunggaban ka na kahit anong oras",sabay lingon sa paligid.
"Damn.. wag na tayong kumain dito sa susunod",hindi mapakaling sabi ni Ash pero pilit niyang hindi ipapahalata na siyang nakakapagtaka.May nangyari ba na hindi namin alam?
"Angel ko-----ow mamaya na lang",dating ni Sky ngunit aalis din agad sana matapos makita si Rese ngunit hindi pa man ito naka isang hakbang nang hawakan siya ng bruha.
Poor him..
"At san ka pupunta?",ngiteng tanong ni Rese na mapag-alaman mo talaga agad na may masamang plano."Maupo ka muna,dito oh",ngite paring alok ni Rese habang mahinang tinapik-tapik ang espasyo sa inuupuan niya.
"Ha?Ah eh wag na.Hinihintay na ako ng kasama ko eh",hilaw na ngite din ni Sky.
"Talaga?saan ba sila?",tanong ni Rese at inilibot ang paningin habang nakangite pa rin.
"Ah..eh..andoon sa labas.Oo tama, sige aalis na ako",kinakabahang sagot ni Sky at sinusubukang bawiin ang kamay'ng hawak ni Rese ngunit mas lalo itong hinigpitan ng bruha.
"Nagsisinungaling ka eh..
at ang dapat na maging parusa ng mga batang nagsisinungaling?..ay pinipisil ang pisnge",parang timang na lintaya ni Rese at sinunggaban ang mukha ni Sky.At alam niyo na ang sumunod na nangyari.
"Noisy",rinig kong sabi ni Ash at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Maiba tayo",anang ko nang maalala ko ang matagal nang naglalaro sa isip ko"May balita ba kayo tungkol kay Vina bukod sa haka-hakang wala namang kasiguraduhan?",tanong ko at natigil sila sa kanilang ginagawa sabay harap sa'kin.
Binitawan muna ni Rese ang pisnge ni Sky bago ako sinagot."Natanong ko na rin yan Xi,pero parang wala na talagang ibang balita tungkol sa kanya.Nakakainis lang isipin na yung nag-iisang balita tungkol sa kanya ay napakasama pa.Hindi natin alam ang totoong nangyari",malungkot niyang sabi.
"Naiintindihan kita,napalapit na rin siya satin eh at napakasakit isipin na hindi siguradong kaibigan ang turing niya satin",sagot ko rin.
"Sana hin----",di na natapos ni Rese ang sasabihin nang biglang
may sumigaw malapit sa entrance ng cafeteria.
"Who is Ashton Vin Yu in here!",matinis na sigaw ng tao, at nang lingunin ko ito ay agad nagsalubong ang kilay ko.
Who is she?
Lumingon sa amin ang lahat o mas sabihing kay Ash matapos yung itanong ng babae, at sa ginawa nila ay napalingon din siya sa amin.Lalo na kay Ash na hindi nag-abalang tingnan ang babae, sa halip ay nagpatuloy lang siya sa ginagawa na parang walang pakialam sa paligid.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
