Chapter 25

8.2K 338 37
                                        

Monday....

RESE'S POV:

"Ash!Ash!Naglaho bigla yung mga pictures mo!",balita ko kay Ash.Kakagising ko lang at nang tingnan ko ang page kung saan andoon ang mga stolen pictures ni Ash ay wala ni isa ang naiwan.Nawala nalang ang mga ito na parang bula!

Imbis na sagutin niya ako ay nagkibit-balikat lang siya at tinalikuran ako pero bago siya tuluyang tumalikod ay nakita ko siyang ngumise.Lang'ya!ang creepy ng ngite niya!May kinalaman ba siya dun sa pagkawala ng mga pictures niya?Habang nagmuni-muni ako dito ay may bigla namang ideya ang pumasok sa isip ko.

Aisstt!Now i realize.Bakit hindi ko to napansin agad!Kaya pala gulat na gulat siya kahapon nang makita ang pictures niya sa social media ay baka dahil matuntun siya ng naghahanap sa kanya!At kaya siya umuwi ng maaga dahil inaasikaso niya ang pagdelete ng mga larawan!Ang shit lang!Kasalanan ko to eh!Kailangan ko humingi ng tawad sa kanya.

Agad kaming nag-agahan matapos kong maligo.Wala kaming imikan habang kumakain,hanggang makarating kami sa school.

Okay this is it.I need to apologize.

"Uhh Ash---"

"Rese!Ash!",nilingon ko ang taong tumawag samin at nakita si Xia habang tumatakbo papalapit samin.

Hmm.Mamaya na nga lang..

"Bat wala ka kanina?",bungad ko sa kanya nang makalapit.Totoong hindi siya sumabay samin kanina papunta dito sa school.

"Duhh,Wag mo nang tanungin Rese.Nabubwisit lang ako.Nga pala,bakit hindi niyo sinabi sa'king magpa-part time job kayo?Gusto ko pa man ding subukan yon",aniya at ngumuso.

"Wag ka ngang ngumuso bruha ka.Di bagay.Tsaka bakit mo naman susubukan iyon aber?eh ang yaman yaman mo na"

"Eh gusto ko eh.Kasi andun kayo",Xia.

"Ma t-touch na ba kami niyan?",biro ko.

"Duh,iwan ko sayo Rese",ani ng bruha at pumantay ng lakad kay Ash.

"Hi Ash,antahimik mo ata ngayon",kausap niya dito.

"Eh ganyan naman talaga yan,boba nito",ako.

Nilingon niya ako"Manahimik ka Rese,di pa tayo bati.Hmmp!",tingnan mo nga naman oh.Napaka childish ng bruhang to.

Habang naglalakad kami dito sa ground ay may kung ano namang kinuha si Ash sa bag niya.Pagkatapos ay inilapit ito kay Xia ng hindi nakatingin.

"Pakibigay sa kuya mo",aniya at taka namang kinuha ni Xia ang supot.Pagkatapos kunin ni Xia ang ini abot niya ay nauna na siyang naglakad.

"Bakit?",naguguluhang tanong ni Xia sa'kin at umiling ako dahil di ko din alam.

"Ano nga pala laman?",usisa ko at lumapit sa kanya.Sabay naming tiningnan ang laman ng supot.

"Ingredients for baking cake?",taas-kilay niyang sabi at parang may inaalala.

"Ah!alam ko na!Ash---",di niya natapos ang sasabihin at gulat siyang nakatitig sa unahan.Sinundan ko naman ang kanyang tinitigan at napatakip nalang ako ng bibig gamit ang kanang kamay sa nakita.

Nandodoon si Ash.Nakatayo habang pinagbabato ng mga itlog.And this time,lahat ng mga studyante ang gumagawa nun.Di katulad noon na mga lalaki lang ang may ganang gumawa sa kanya nun.

"Kuya...",tinignan ko si Xia at nakita kong nagpupuyos ito ng galit.Hahawakan ko na sana ang kamay niyang nakayukom nang bigla siyang naglakad patungo sa kung saan.Sa kapatid niya siya pupunta.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon