Chapter 44

7.5K 372 58
                                        


***kinabukasan***

ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:

Uupo pa lang sana ako sa upuan ko pagkarating ko sa classroom nang biglang tumunog ang speakers ng buong campus na siyang nakakapagtaka dahil minsan lang yun tumunog kung napaka-importante ang i-aanunsiyo.Pero,mas lalong kataka-taka nang ako ang laman ng anunsiyo.

"Calling Mr.Ashton Vin Yu.Please proceed to the dean's office now.Again,calling Mr. Ashton Vin Yu to proceed at dean's office.Thank you",anunsiyo ng boses.

Lahat ng kaklase ko ay agad napatingin sa'kin.Bago pa man may magsalita o magtanong ang ni isa sa kanila ay agad na akong umalis at tinahak ang daan patungong office ng dean.

Habang naglalakad ako ay lahat ng studyanteng makakasalubong ko ay napapatingin sa'kin.Habang ang iba ay nagbubulungan at halatang ako ang pinag-uusapan.May iba rin na napapangise animoy parang alam ang mangyayari sa'kin.

Papalapit na ako sa lugar at sumalubong sa'kin ang kumpulan ng iilang studyante sa pintuan ng opisina ng dean,pero nang makita nila ako ay agad silang nagsitabihan sabay bulungan.Nagtataka man ay hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob ng silid.Nang tuluyan na akong makapasok ay bumungad sakin ang mukha ng mga pamilyar sa'king mga tao, ngunit meron ding hindi.Katulad ng dalawang pares na mag-asawa,na kung hindi ako nagkakamali ang mga magulang nina Vina at 'Abno' dahil katabi nila ito.Speaking of 'Abno', nandito ito ngayon kahit may mga pasa at sugat ito sa mukha at ibang parte ng katawan buhat ng pangyayari kahapon,masama din ako nitong tinitigan na para bang gusto ako nitong saktan.

"Mr.Yu.. ",biglang tawag ng matandang dean sa'kin kaya napaharap ako dito.

"Alam mo naman siguro kung bakit kita pinapunta dito ngayon---"

"No",agad kong sagot.Totoo,hindi ko talaga alam kung bakit ako nandidito pero may hinala na ako at hindi pa ako nakakasiguro.

"Heck?!Anong hindi mo alam gago ka?!Pinabugbog mo lang naman akong hayop ka!Ang-----",sabad bigla ni 'Abno,  ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin ay pinutol na siya ng dean.

"Settle down Xenon!You're in my office remember!And we aren't sure if he is the one behind all those!",sita nito sa apo"Get grip on you're son Arnold",utos ng dean sa huli sa lalaking katabi ni Abno at sinunod naman ito ng lalaki at ng asawa nito.

Humarap uli ang matanda sa'kin."Sorry for that Mr.Yu.Hmm,you heard us right. I hope you get it now what all of these about,at hindi na ako magpaligoy-ligoy pa...Xenon told us that you are the one behind the incident yesterday, is that true?",may panghuhusgang tanong ng dean at hindi na ako nagulat.

Tama nga ang hinala ko.Hindi malabong iisipin yun ng abnormal sa'kin,lalo na't kung binigyan siya ng ideya ng kung sino.But still,what an ungrateful shit.

"Mr.Yu, totoo ba?",tanong uli ng dean,ngunit sa halip sagutin siya ay inilibot ko ang aking mga mata at tinignan ang isa-isa ang mga taong nandidito na hinihintay din ang sagot ko,lalo na 'siya'.Hindi ko napigilang saglit mapangise sa nangyayari at mukhang nakita yun ng dean dahil tumalim ang tingin nito sa akin.

"Mr.Yu,sa uulitin ko,totoo ba?As far as i know lagi kayong nag-aaway ng apo ko,at hindi ko maiiwasang isipin na maaaring paghihigantihan mo siya sa lahat ng ginawa niya sayo.Alam kong pilyo ang apo ko ngunit hindi nararapat na parurusahan siya o kung sino pa mang studyante ng kung sinong tao maliban sa'kin.Isa yung napakalaking paglabag sa mga patakaran ko sa paaralan ko kung nababasa mo ang school rules and regulations,at expulsion ang katapat na parusa sa kapangahasan lalo na't ang gumagawa nun ay ilang beses nang pabalik-balik sa opisina ko dahil sa mga kasalanang nagawa nito",tila parang alam na lahat na lintaya ng dean na may halong pananakot, ngunit kahit kunti ay hindi ako naapektuhan.Para saan?Alam ko ang totoo, yun ay hindi ako,at para mapatunayan yun ay kikilos na ako nang sa gayon ay matapos na ang lahat.Sawa na ako sa ka-kitidan ng utak nila.Paulit-ulit na lang ang ganito.They ruin my supposed to be peaceful highschool life for pete's sake.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon