This chapter is dedicated to Nozomashikunai..
Thank you uli sa book cover school mate ^_^
ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
Matapos kong makapili ng aking bibilhin dito sa convenience store ay agad ko itong pinacounter...
"Ang sweet niyo naman po sa girlfriend niyo",biglang sabi ng babaeng cashier kaya kunot-noo ko siyang tinignan.Pero agad ko ding tinigil ng makuha ko na kanyang sinabi.
Nakalimutan kong sanitary napkin nga pala itong binili ko atsaka chocolates,which is para sa akin.Buwanang dalaw ko ngayon.Ayos na ring pagkamalang para sa girlfriend ko ito kuno kesa pagkamalang bakla.Well,wala rin naman akong pakialam basta hindi lang ako makita ng nakikilala sa akin bilang Ashton,dahil kundi malaking paliwanagan ito na siyang iniiwasan kong mangyari.
"That would be 275 pesos sir"
Binigay ko naman ang 500 ko.Habang hinihintay ko ang sukli ay napalingon ako sa labas.Pero nang babawiin ko na ang tingin ko ay bigla akong napaatras ng makita si Vina na kumakaway sa'kin mula sa labas pero di kalaunan ay umalis ito sa kanyang kinatatayuan at kung minamalas ka nga naman ay papasok ito dito.
Hindi na ako nag aksaya ng oras at humarap na ako sa cashier.
"Miss.Pwedeng babalikan ko na lang yan?",tukoy ko sa pinamili ko.
"Ahh..ehh..okay sir.Nga pala ito sukli niyo",anang ng cashier sabay abot sukli ko at kinuha ko naman ito.
"Thank you miss"
Saktong pagtalikod ko ay siya ring pagdating ni Vina dito sa loob.
"Hi Ash--"
Di na niya natapos ang sasabihin dahil hinila ko na siya at naglakad papalabas.Nang makalabas na kami ay doon ko lang siyang binitawan.
"May bibilhin ka ba sa loob?",agad kong tanong at tila mukha naman itong natauhan.Tulala kasi itong nakatitig sa'kin.
"Ha?Ah eh..wala",sagot niya.
"Then..what are you doing here?"
Namula siya bigla at nahihiyang yumuko na siya namang ikinakunot-noo ko.
"Kasi ano..nakita kasi kita dito..babatiin sana kita"
"Well,hindi na kailangan.Saan ka ba pupunta?"
"Ha?ah..eh..sa ano..sa.."
Just what i've thought
"Come.I'll take you home",anyaya ko sa kanya at nagsimulang maglakad papunta sa pinagparkingan ng bigbike ko.
"Eh?!Bakit?!"
"Gabi na.Alam kong wala kang pupuntahan"
"Pero me--"
Tumigil ako at nilingon siya"Look Vina...not today okay..so stop"
Umangkas na ako sa bigbike ko dahil sakto ring nasa harapan ko na ito ng tumigil ako.
"Hop in",utos ko sa kanya at sinunod naman niya.
Papaandarin ko na sana ang makina ng bigla siyang nagsalita.
"Ash,pwedeng mamaya na?"
"Bakit?",tanong ko.
"Basta"
Hindi ko pinakinggan ang pakiusap niya at pinaandar pa rin ang sasakyan.
"Kyaa!!",sigaw niya at bigla kong nahinto ang bike ko.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Fiksi RemajaPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
