ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
We're in the gymnasium right now at basketball ang sinasabi ni Sir na activity na gagawin namin.
Habang tinatawag kami ni Sir isa-isa para sa grupo namin ay biglang pumasok ang class 11-A sa gym.Yung dating section ko dati na kung saan ngayon sina Rese,Xia at Vina napabilang. Speaking of Vina wala siya dito ngayon,at nagpapasalamat na din ako dahil walang aaligid sa akin sa oras na to.
"Hi Ash!/Ash!",sigaw nina Rese at Xia ng makita ako.Pagkatapos ay tumakbo papalapit sa'kin.
"You will also play basketball today?",bungad ko sa dalawa ng makalapit.
"Pano mo nalaman?",si Rese.
"Natanong ko lang dahil maglalaro din kami ngayon",sagot ko.
"Wahh!!!Talaga?!!",galak na sagot ni Xia at nagti-twinkle pa ang mga mata.
Weird
"Miss Wildford!Miss Tampus!What are you doing there!?",sigaw ng guro nila.
"Sige bumalik na kayo dun",sabi ko sa dalawa.Sumunod naman sila pero bago yun ay nag-good luck muna silang dalawa sa'kin.At thumbs up lang ang sinagot ko.
"Sh*t!Mabuti at umalis na sila",si Sky.Umalis agad ito sa tabi ko ng lumapit sina Rese at Xia.Natrauma ata kay Rese.Palagi na lang kasi siyang pinanggigilan nito pag nakita.
XIA'S POV:
Napagdesisyunan ng guro nila at ni Mrs.Buscado na magsabay na lang kaming dalawang section sa paglalaro ng basketball dahil limited lang yung time.So bale yung boys namin versus nila ang maglalaro ngayon.At kaming mga babae ang susunod at kaming magkaklase lang din ang maglaban laban dahil wala namang babae sa kanila.Siyempre except kay Ash.Babae siya na nagdisguise na lalaki kaya para na ring walang babae sa kanila.
Prrttt!!!
Tunog ng pito ni Mrs.Buscado at hinagis naman ng guro nila ang bola sa ere.Tumalon si Felix at ang isa sa kaklase ni Ash ng mataas.Si Felix ang unang nakatampal ng bola at agad naman itong sinalo ni Jason at di-nribble.Todo cheer naman mga classmate namin na animoy totoong game ang pinanood.Sa section ni Ash naman ay walang pakialam ang mga ito sa laro at naghaharutan lang ang mga ito.Hindi din kasali si Ash sa laro.Nanood lang siya habang naka cross-arm at kunot-noong nakatingin sa court.Tinignan ko naman ang tinitigan niya.Si Felix ito habang hinaharang ang katawan sa kalaban upang hindi ito makalusot at parang nakikipag-usap siya sa taong binabantayan niya.
"Sayang.Hindi siya sumali sa game",biglang sabi ng katabi ko na si Rese.
"Yeah,you're right.Excited pa naman akong panoorin siya",nakapout kong sagot.
Maya-maya habang patuloy pa rin ang laro ay biglang natumba ang isa sa kaklase ni Ash,ito yung kinakausap ni Felix kanina.Malakas yung pagkakatumba ng lalaki kaya rinig ng lahat ang kalabog.Natigil rin ang laro.Tumayo agad yung lalaki at lumakad patungo kay Felix na malapit lang sa kanya.
"Gago!",sigaw ng lalaki sabay sapak sa mukha ni Felix.Agad namang lumapit sina Mrs.Buscado at pinigilan silang dalawa dahil gaganti sana si Felix.Nagsilapit din ang mga kaklase namin doon pati na buong section F.
"Hala!Anong nangyare?!!",sigaw ni Rese at lalapit na sana sa gulo kaya pinigilan ko siya.
"Dito ka lang Rese.Wag ka nang sumali doon",pigil ko sa kanya.Sumunod naman siya at umupo uli sa tabi ko.
"Gago ka!Ba't ka nananapak?!!",galit na sigaw ni Felix habang nagpupumiglas sa hawak ng mga kaklase naming lalaki.
"Nagtanong ka pa ulol!Alam mo na kung bakit!",sagot ng lalaking sumapak kay Felix at pinipigilan din ito ng kaklase at ng guro nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/124939235-288-k193096.jpg)
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...