Chapter 26

8.1K 329 22
                                        

ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:

Pagkatapos ng klase ay agad akong dumerecho ng club.

"Kuya!",agad na sigaw ng bubwit sabay takbo ng makita akong paparating.Akmang yayakap ito,kaya itinaas ko ang kanang kamay ko at pinigilan siya sa pamamagitan ng paghawak ng kanyang ulo at inilayo sakin.

Ngumuso ito at malungkot akong tinignan.Sa totoo lang ay mas naging cute tong batang to at pinipigilan ko lang ang sariling kurutin ang pisnge niya.

"Why still not wearing your swim wear?",tanong ko,dahil di parin ito bihis.

"Gusto kong sabay tayo",ngite nitong sabi.

Wait,what?

"No",matigas kong sagot at ngumuso na naman ito.

"Why?"

"Basta"

"Mr.Yu",biglang sulpot ni coach."Sabay na kayong magbihis ng pinsan ko.Kanina pa yan naghihintay sayo.Bingo na sakin yang bata na yan.Napakatigas ng ulo.",aniya.

"Hindi ko na yun problema",tamad kong sabi.Pag sabay kaming magbihis nitong bubwit nato edi nilaglag ko na din sarili ko.

"Mr.Yu,pag ayaw mong pumayag iisipin ko talagang may tinatago ka samin.Hindi mo ako kilala tandaan mo",seryoso nitong anas.

Hanapin mo pake ko?

"Hindi mo din ako kilala coach",

Agad naman sumama ang tingin nito sa'kin.

"Mr.Yu,I'm warning you.Pag hindi ka susunod,gagawin ko talaga ang lahat upang mapaalis ka sa club nito.Hindi ako nangangailangan ng taong sinusuway ang utos ko.",inis nitong anas.

Yan.Yan ang hirap sa mga tao ngayon.Ginagamit ang kapangyarihan upang masunod ang gusto.I really hate those kind of people.Damn!

"Fine",i surrendered.Hindi pwedeng mawala sakin ang scholarship ko.Pag-nawala yun eh para ko na ding ibinagsak ang isa sa pader na ginawa ko para maprotektahan ang aking tunay na katauhan.

"Good",aniya at ngumise.

Bipolar ang gago.

Imbis na pansinin ang sinabi niya ay kinaladkad ko na lang ang bubwit sa kanyang tabi papuntang boy's locker room.

"Strip",agad kong sabi ng maisara ko ang pinto.May plano ako.

"P-po?",gulat nitong tanong.

Just expected

"I said strip,or you want me to do it?",ani ko at nilapitan siya at itinaas ng kanyang shirt.Pero bago ko mahubad ang kanyang damit ay agad niya akong pinigilan.

"Sandali!sandali !",taranta niyang sigaw"K-kaya ko na po",aniya at namula.

"Ok",ako at ngumise ng patago.Habang naghuhubad siya ay nakatitig ako sa kanya.This is the last step.Halatang naiilang ito sa mga tingin ko at namumula pa din ang mga pisnge.Di nagtagal ay tumalikod ito sa'kin na siya namang inaasahan ko.

Habang busy ang bubwit sa pagbibihis ay dali-dali ko namang hinubad ang damit ko at isinuot ang swim wear.Nagulat pa siya nang makita na akong bihis.Pwede ko naman siyang patatalikurin nalang pero di ko ginawa dahil baka manghinala siya at may ay possibility na haharap parin siya sakin kahit sabihin kong wag dahil sa curiosity.

Bago kami lumabas ay hinarap ko siya.

"Keith,wag mo na uling hilingin na sabay tayong magbihis.Pinag-bigyan lang kita ngayon",walang kangite-ngite kong pahayag at tumamlay naman ang mukha ng bubwit.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon