Chapter 80

5.6K 302 38
                                        

ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:

"Uy,diba teacher's appreciation day na bukas?Ano ang ibibigay niyo sa mga teachers natin?",tanong ni Xia.

Nandito kami ngayon sa field at tumatambay sa isa sa mga bleachers habang hinihintay namin ang oras na matapos para masimulan ang susunod na subject.

"Oo nga no,pero narinig ko kanina may secret meeting daw tayo ngayong hapon bruha.",Rese.

"Really?So may plano na pala ang class officers natin.....Kayo Ash?",sabay harap sa'kin.

"I don't know"

"Eh?Hindi niyo man lang bibigyan ng surpresa o kung ano yung adviser niyo?",Xia.

Nagkibit-balikat ako.

"Haist... kawawa yung adviser niyo.Kahit simpleng paghahanda lang"

"Tama.Minsan lang na mangyari yung celebrasyon",segunda ni Rese.

"Kinokonsensiya niyo ba ako?",hindi ko na napigilang tanong.

"Oo/Yes",sabay nilang sagot.

"Tsk",click ko na lang ng dila ko.

"Maiba tayo,may narinig akong may nagpapanggap daw na girlfriend mo sa campus Ash?Alam niyo ba kung sino?",Rese.

"Ano?!Bat hindi ko alam yan?!",gulat na sambit ni Xia at napatayo.

"Kanina ko nga lang narinig nang mag-cr ako"

"Haishh....ang kapal ng pagmumukha ng taong yun ah..",inis na sabi ni Xia.

"Umupo ka nga bruha.Nagsisimula ka na naman..."

Sinunod nito si Rese.

"Haish!Nakakainis lang.Sino ba sila kung umasta?Nagawa pa talagang magsinungaling para lang sa kayabangan nila"

"Oo na,oo na.Tumahimik ka na diyan.Si Ash nga dapat ang mas apektado"

"Fine.Ash,anong plano mo?",Xia.

"Wala",agad kong sagot.

"Ano?Pero pangalan mo na ang na-involve"

Napabuga ako ng hangin "You're right,but that won't hurt me.As long as no one was harmed.I won't make a fuss about it"

"Sabagay...hanggang salita lang naman sila.Atsaka,sinong maniniwala sa taong yun eh hindi nga lumalapit itong si Ash sa ibang studyante maliban sa atin",Rese

"Pero kahit na---",sambit ni Xia ngunit hindi ko na ito tuluyang pinakinggan.

Ipinokus ko na lang ang atensiyon ko sa school soccer team na naglalaro sa field.Mga ilang minuto ang nagdaan nang biglang papunta samin yung bola ng nilalaro ng players,ngunit bago may matamaan ang isa sa amin ay hinarang ko ang kanang braso ko at tumalbog naman ito sa kung saan.

"Are you all okay?",tumatakbong papalapit ng taong sumipa ng bola"I'm so sorry.Hindi naging maganda yung sipa ko.May nasaktan ba sa inyo?",dagdag nito.

Nararamdaman ko naman ang sincerity nito.

"It's okay,no one was hurt",sagot ni Xia

"Ganun ba,mabuti naman"

Agad na kumunot ang noo ko ng sumulyap ito uli kay Rese.Kanina kasi ay sinulyapan nito si Rese pagkalapit sa amin at wala namang ikapagtataka doon.Ngunit ngayong pangalawa na alam kong may mali.

SHE became the campus HEARTTHROB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon