Saturday...
ASHRIEN'S/ASHTON'S:
"Ash!Gising!Gising!",rinig kong sambit ng pamilyar na boses habang niyuyugyug ako.
Inis kong naimulat ang mata ko at masamang tinitigan ang napaka-bwisit na mukha ni Rese.
"Ano?!",badtrip kong tanong.
Pano ba to nakapasok sa kwarto ko?
"Naku,wag mo akong ma ano ano diyan Ash.May bisita ka,kaya tumayo ka na diyan.Tsaka di mo rin ako masisisi na pumasok sa kwarto mo dahil kahit anong katok at sigaw ko ay hindi ka nagigi----"
Bisita?
"Sinong bisita?",kunot-noo kong tanong na ikinaputol ng kadaldalan niya.
"Eh sino pa?Edi yung mga kaklase mo.Hay naku Ash,may gagawin pala kayo ngayun di mo man---"
"What?!",di ko mapigilang sigaw at bumaba na sa kama upang kumpirmahin ang sinabi niya.
Nang makalabas na ako ay tama nga siya.Nandidito nga sila even Francis and Wade,at komportable pang nanonood ng TV na para bang sa kanila tong lugar.
"What the heck are you doing here?",inis kong tanong at napunta ang atensiyon nila sa'kin.
Ngunit sa halip na sagutin nila ako ay nanatili ang mga itong nakatitig sa akin na para bang nakakita ng di pangkaraniwang tanawin.
"Answer me!",ma-awtoridad kong utos at mukhang nabalik naman sila sa kanilang wisyo.
"Ah eh.. ano..kasi ano..",di matapos tapos na sambit ni Leonardo.
"Ano?!",inis kong tanong.
"Hay naku Ash,bago ka magalit diyan magbihis ka muna ano..",sabad ni Rese."Tingnan mo yang sarili mo",dagdag niya at ginawa ko naman ang sinabi niya.
Oh shit!Naka-platypus pajama pa pala ako..
"Bantayan mo sila",utos ko sa kanya bago tumalikod.
Ngunit di ko pa man tuluyang naisara ang pintuan nang marinig ko ang bulungan nila.
"Ang cute ng Angel ko sa suot niya"
"Nababakla ka na naman Sky"
"Anong bakla?Eh cute niya naman talagang tingnan"
"Sky is right.And you can't deny that.All of your reaction was the same.
May iba pa silang sinabi ngunit hindi ko na pinagpatuloy'ng pakinggan.Mga walang kwenta lang naman yun.
***
"Now,can anyone tell me why are you here?",agad kong tanong nang makaharap ko uli sila.Nakapagbihis na din ako.
"Eh kasi sinabi mo na tutulungan mo kami Angel ko",sagot ni Sky
Tsk..yun pala..
"At ano ngayon?",tanong ko.
"Eh Ashton.Sabado kasi ngayon.Akala namin na ngayon yung tamang oras",pangangatwiran ni Lex.
"Tama Ashton,hindi mo kasi sinimulan nitong nagdaang mga araw yung sinabi mong tutulungan mo kami kahit break time natin kaya nagbabasakali kaming ngayon mo sisimulan,dahil wala namang pasok",si Ched.
Nagpabuntong hininga ako matapos silang marinig.
"Do i look like a joke to all of you?",pikit-mata kong lintaya dahil sa pagkabadtrip kong nararamdaman.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
JugendliteraturPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
