ASHRIEN'S/ASHTON'S POV:
"What are doing here?",kunot-noo kong tanong sa lalaking kaharap ko ngayon.
"What?I'm just welcoming you back",painosenteng sagot nito"Congratulations by the way.."
"As If.Move",utos ko sa kanya,sinadya ko talagang tamaan siya ng dala kong bagahe.
Nakauwi na kami ngayon,at dito sa school kami ibinaba ng bus.
"Papauwi na kayo?",habol nito sa aming tatlo.
"Yes Pres.",tugon ni Rese
"Ihatid ko na kayo"
"Naku,wag na Pres. susunduin din naman kami ng driver ko",Xia.
"No,I insist.Hindi mo pa naman natawagan yung driver mo diba?"
"Y..yeah"
"So that's it.Sumunod kayo sa'kin.Nasa unahan lang yung kotche ko"
Wala na kaming nagawa ng mauna na itong maglakad.Napabuga na naman ako ng hangin bago sumunod sa kanila.Bago ako makapasok ng kotche ay napansin ko si Abno na matiim na nakatitig sa amin,ngunit agad ko ring binawi ang tingin ko at pumasok na ng kotche.
"Bago tayo makarating ng boarding house,pwede bang tumigil muna tayo sa isang Fast Food Chain Pres.?Magte-take-out lang kami ni Xia para may makain tayo pag-dating",turan ni Rese sa kalagitnaan ng byahe.
"Sure",sagot naman ni Jaybie.
Hindi nagtagal ay huminto nga kami sa isang kainan.
"Ano ba talaga ang sadya mo ha?",tanong ko kay Jaybie habang hinihintay sina Rese at Xia na nag-oorder.
Alam kong may dahilan itong kumag na to kaya ito bumubuntot sa amin ngayon.
"Wala ka bang naalala?",sa halip ay tanong niya.
"What?",naguguluhan kong tanong.
"Wala...kalimutan mo na ang sinabi ko"
"Tsk.Ewan ko sayo"
"Tara?",dating ng dalawa,dala na rin ng mga to ang mga inorder nila.
Kinuha naman namin ni Jaybie ang iba sa dala nila bago kami bumalik sa kotche.Pagdating naman namin ng boarding house ay agad naming kinain ang pinamili.Tanghali na rin kasi.
"Pres.,ba't mo nga pala kami naisipang ihatid?",tanong ni Xia sa kalagitnaan ng ginagawa namin.
"Wala lang...Wow, this chicken taste good",manghang sambit nito.
"Teka.Ngayon ka lang nakakain ng ganito?",tanong ni Rese.
"Yeah,though nakakain na rin ako ng fried chicken pero hindi ganito ang lasa"
"I see.. "
"By the way Pres,I know this is random,pero paano ka nga pala napunta dito sa Pilipinas?Eh etong kay Ash kasi ay alam na namin",Xia
"Hmm..sabihin na nating dahil sa Tatay ni Von",sabay lingon sa'kin.
"Bakit?Ano ba ang ginawa ng Tatay ni Ash?"
Tsk....here they goes again...
"Well,you know....I heard his stories about this country and I became interested..so when am old enough,I came here",Jaybie.
"I see... "
May pinag-uusapan pa ang mga to ngunit hindi na ako nakinig.Buong maghapon ring nanatili itong dalawa dito.Kung hindi nagkukwentuhan ay nanonood ang mga to ng TV at naglalaro ng card games.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
JugendliteraturPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
