RESE'S POV:
Pagkadating namin sa WFA ay napansin ko agad ang ka-busy-han ng mga tao.May nagmamadali habang bitbit ang nakarolyong mga papel.May ibang hila hila ang cart laman ang naglalakihang speaker may ibang nagsasabit ng tarpaulin.
"They're weird",kunot-noo kong sabi.Nang tingnan ko ang katabi ko ay mukhang wala itong paki sa kanyang nakikita.Hindi din namin kasama si Xia ngayon kaya wala talaga akong clue sa nangyayari.
Maya-maya ay may biglang nagsalita sa speaker.Pinatitipon kami sa loob ng gym.Importante daw kaya kailangan naming pumunta dun.
Tahimik naman naming binaybay ang daan patungong gym.
***
"Riza,ano ba ang ginagawa natin dito?",tanong ko sa isa sa mga kaklase ko ng makita ko siyang papasok din sa loob.
"Ah oo nga pala di mo pa alam...Well i-wi-welcome lang naman natin ang isa sa kagalang-galang na miyembro ng pamilya ng may ari nitong paaralan at isa sa shareholder nitong school na may malaking porsyento",aniya
"Sino?",tanong ko.
"Si Mr.Tanaka.Teka dapat alam mo na to ah lalo nang kaibigan mo ang isa sa apo nito",nagtataka niyang ani.Si Xia siguro tinutukoy niya.
"Wala siyang sinabi"
"Ah ganon ba.Sige maiwan na muna kita",aniya at iniwan ako.
"Hey,let's get inside",ani ni Ash nilagpasan ako.Kararating lang nito dahil habang tinatahak namin ang daanan patungong gym ay humiwalay siya sa'kin at pumuntang cr.
"Good morning everyone",bati ng may hawak ng microphone na siya ring vice president ng student council.Bumati din pabalik ang lahat.
"Nagtataka siguro kayo kung bakit namin kayo pinatawag.Yun ay bumisita ang kagalang-galang na tao ng pamilyang Wildford.Sir?",aniya at tumitig sa kung saan nilingon naman namin lahat ang tinitigan niya at nakita ang isang matandang may dalang tungkod.Kulubot-kulubot na ang balat nito pero mapapansin mo pa rin na makapangyarihan itong tao.Hmm..mukhang pamilyar din ito sa'kin.Parang nakita ko na ito.Di ko lang matandaan kung saan.
"Good day everyone.Thank you for a warm welcome you've given to me.I'm glad that we all meet again after a year.I will not make this long,so once again thank you",simpleng pahayag ng matanda at ibinigay ang microphone kay Samuel/vice president.
"You're very welcome Mr.Tanaka and also,thank you for giving this school a chance to be visit by you.Now,if you would like sir.Could you proceed to the meeting room for the buffet we've prepared for you",tumango naman ang matanda at bumaba sa stage.Ngayon ko napansin na may body guards pala itong kasama.
"Now,you can proceed to your respective classrooms",ani muli ni Samuel.Sumunod naman ang lahat.
Habang naglalakad kami papunta sa mga classrooms namin ay may mga kamay namang pumulupot sa braso namin ni Ash.Nagulat ako saglit at nang nilingon ko ang may ari ng mga kamay na yun ay si Xia ito.
"Pucha naman Xi,akala ko kung sino nang loko ang pumulupot sa braso namin ikaw lang pala",inis kong ani at nginitian lang ako ng bruha pero maya maya ay tumamlay ang mukha nito.
"Hindi na naman ako nakasabay sa inyo",malungkot niyang sabi.
"Oo nga bakit nga ba?",tanong ko.
"Si Tanaka-sama.Nalaman niyang pumupunta ako sa boarding house",aniya.
"Oh anong problema dun?",kunot noo kong tanong.
BINABASA MO ANG
SHE became the campus HEARTTHROB
Teen FictionPaano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung taong pinapahalagahan ka .At hindi lang yun,madami sila.Diba ang bongga?! Kaya lang....pano kung yung m...
